Chapter 20

219K 7.7K 1.2K
                                    

Nagising ako kasi uhaw na uhaw ako. Parang ang tuyo ng lalamunan ko at parang ang hapdi ng tiyan ko. Napabalikwas ako sa kama at mabilis na tumakbo pababa papuntang kusina. Hindi na ako gumamit ng baso at lumagok na lang mula sa pitsel ng tubig.

Pero sobrang dami ko yatang nainom kaya bigla naman akong nakaramdam na nasusuka ako kaya tumakbo ako papuntang banyo. Badtrip ang pakiramdam na nasusuka ka pero mas badtrip 'yung gusto mong sumuka pero wala kang maisuka. Ang sakit na nga sa sikmura, ang sakit pa sa lalamunan.

"Ano ba ito, Lord patawad naman. Hindi na po talaga ako iinom kahit kailan," I groaned as I heaved again. "Dapat kumain talaga ako," I murmured to myself as I vomited something bitter. "Syete, kadiri..."

Isinara ko ang pinto ng banyo at naghubad ng damit para maligo. My mind was foggy at parang nakalanghap ako ng tone-toneladang usok galing sa isang tambutso ng jeep na hindi dumaan at walang pag-asang papasa sa emission testing.

I stepped under the shower and shivered. Ang lamig ng tubig! 

"Dapat yata bumili na ako n'ung shower na may hot and cold. Sabi n'ung sales agent, libre naman daw ang installation," I said to myself closing my eyes.

Ano bang pakialam mo kung gusto kong maligo, ha?! The scene flashed inside my head making my eyes fly open as I frown.

"Ano 'yun? Kakaiba. May sinabi ba akong gan'un? Kailan? At sinong sinabihan ko n'un..."

Hindi ko na lang pinansin kasi pakiramdam ko ay nagdedeliryo ako  – side effect ng sobrang kalasingan ko kagabi. Hindi ko alam kung anong oras na pero hula ko ay alas tres o alas cuatro ng madaling araw pa lang.

"Hindi na talaga ako iinom. Ang hapdi ng tiyan ko..." I moaned my complaint as I soaped my body.

Maghuhubad ako kasi ayokong maligo nang may damit!

I heard my voice inside my head again and I scowled at the yellow and white tiles in front of me. More images came flooding in.

Gianna, seryoso, h'wag mong tanggalin 'yang damit mo. My God, Green, ano ba! Diyos ko, ilayo n'yo naman po ako sa kasalanan. Humihingi na po ako ng kapatawaran ngayon pa lang—at anong gagawin ko dito sa panty mo na inabot mo sa akin, Green? Bigyan mo nga ako ng maganda-gandang paliwanag?

Remembrance. Para sa'yo talaga 'yan, Redley. Itago mo, ha. Advance Merry Christmas.

"WHAT THE HELL?!" Napasigaw ako nang wala sa oras. "Ano 'yun? Saan galing 'yun?" mukhang tangang tanong ko sa sarili ko. 

Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi huminto ang mga eksenang naglaro sa isip ko...

Ang sweet naman ng magiging nanay ng mga anak ko, a pair of virginal white underwear. Ang thoughtful mo naman.

Syemps!

Pero, tama na, please at nabubuang na ako sa'yo. Kaya magdamit ka na, please, Gianna? Isuot mo na muna itong panty mo at saka ko na lang kukunin pagkatapos mong maligo, okay?

Bakit ba?! Saan ka naman nakakakita nang maliligong may damit, ha? At saka bakit mo ba ibinabalik ang regalo ko sa'yo? Should I be offended?

Iniinsulto pa kita sa lagay na ito samantalang halos mapatid na itong lahat ng ugat ko sa katawan sa kakatimpi?

Kakatimpi? Bakit ka nagtitimpi? Galit ka ba?

Kapag talaga nawala yang kalasingan mo, lagot ka talaga sa akin.

Bakit lagot ako sa'yo, aber?

Kung hindi lang ako concerned na magka-scandal ka at hubo't hubad kang nasa harapan ko ay kinunan na kita ng video. Pero masamang halimbawa para sa mga magiging anak natin, Green kaya—

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon