Chapter 12

216K 7.4K 1.1K
                                    

"Hoy, ang kapal, kapal, kapal ng mukha mo!" I said as we drove off.

Redley laughed even louder. "Bakit naman? H'wag kang assuming, Green. Bakit naman daw makapal ang mukha ko dahil lang d'un sa sinabi ko?" Tawa s'ya nang tawa. "Assuming ka talaga."

"Hoy, Intsik, ha, h'wag mo nga akong inaasar d'yan. 'Yan ang problema sa'yo, eh, ang hilig mong mang-alaska tapos magtataka ka kung bakit ayaw kitang maging best friend?"

"Namimili ka pa raw ng best friend? Wala ka naman yatang best friend kasi kung meron, sana may tinatawagan ka sa phone mo, chi-na-chat sa Messenger o kahit ka-text man lang."

"Aba, bakit 24/7 ka bang nakamanman sa akin? Buti sana kung 24/7 tayong magkasama, 'no," I said.

He smirked. "Hindi ba? Buong araw kaya tayong magkatabi sa kama kahapon. At sabay tayong bumaba para magluto ako at kumain ka. Paano ka ba magbilang ng oras? Akala ko pa naman matalino ka, medyo boplaks yata ang hirit mo."

"Ay, naku! Badtrip ka, Redley! H'wag ka na talagang makitulog sa kuwarto ko! Lalagyan ko talaga ng chalk 'yung pintuan ko para hindi ka makapasok!"

"Chalk? Ano ako, ipis?" he asked as we stopped at a red light.

"Basta kapag ako may boyfriend na ay 'di ka na pwede sa bahay."

"Hindi ba dapat mas nand'un ako? Kasi kailangan mo ng kasama para ilayo kayo sa kasalanan ng boyfriend mo?"

I scowled at him. "Kasalanan? Sa tingin mo ay may gagawin kaming makasalanan ng boyfriend ko?"

"Aba, malay ko ba kung may balak kang masama sa akin?" He wiggled his brows.

Kadiri itong Intsik na 'to. Green, gumanti ka. Hindi ka pwedeng magpatalo d'yan.

"For sure, ikaw ang may balak na masama sa akin," I countered rolling my eyes at him.

He started laughing again. "Bigyan nga natin ng depinisyon 'yang mga salitang masamang balak," he said. "Ano ba 'yun, ha?" he asked and for some reason, I felt myself blush.

Ano ba 'yun, nakakakilabot naman itong si Griffin Dor!

"O bakit parang nanlaki 'yang mga mata mo? Feeling chicks ka na naman?"

"Bwisit ka, alam mo ba?"

"'Di nga?" He grinned. 

"Oo,  'no. Ay, naku, maghahanap na talaga ako ng boyfriend para mapalayas na kita sa poder ko."

"'Yan ang problema sa'yo, eh, hanap ka nang hanap, pero wala ka namang makita," he teasingly told me. "At sa sungit mong 'yan, 'di malayong tatandang dalaga ka talaga."

I narrowed my eyes at him. "Excuse me lang,  ha, pero, ang kapal mo!" 

He laughed out loud. 

"Hintayin mo talagang magka-boyfriend ako. Bukas na bukas magdadala talaga ako ng lalaki sa bahay."

"Bakit ka pa magdadala, eh, nand'un na ako?"

"Redley!" I exclaimed. "Napipikon na ako!" 

He laughingly flashed me a peace sign. "Peace, Green. I love you, best friend."

"Ewan ko sa'yo!"

"Bati na tayo."

"Ayoko!"

"Geh na. Best friend naman, eh."

"Mukha mo. May best friend ka pang nalalaman pero kung balahurain mo ako wagas. Parang 'di mo ako dinadantayan kapag natutulog tayo, ah," I griped. "Ginagawa mo kaya akong unan. Wala kang utang na loob..." 

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon