Chapter 8

259K 7.6K 1K
                                    

Pagkagising ko ay nasa sahig na ako at wala na sa bedroll. Hindi pala ako, kami pala. Gumulong-gulong yata kami habang natutulog at sa kung anong mahikang bumabalot sa apartment ay nakaunan ako sa tiyan ni Redley.

"Ano ba naman... aray, ang sakit ng leeg ko..." I groaned sitting up. "Langya ka, Red, itinulak mo ba ako papunta rito?" I said. Ang sakit ng katawan ko, para akong nakipag-wrestling. Paano nasa sahig kami at dahil semento 'yun ay ang lamig. "Redley!"

"Ano na naman?" he grumbled as he rubbed his eyes with his hands before he opened them. Kumunot ang noo n'ya. "Bakit nandito tayo sa sahig? Aruy, ang sakit ng likod ko..." he complained.

"Ewan ko sa'yo! Siguro itinulak mo ako!"

"Ang sweet ko naman pala, matapos kitang itulak ay sinundan kita at gumulong din ako papunta rito. May gusto ka bang iparating, Green?"

"Kahit umaga, ang sarcastic mo, Red!"

"Kahit umaga, ang ingay mo, Green."

"Tumahimik ka! Ang sakit ng leeg ko! Mommy!"

"Baliw ka ba? Nasaan ang nanay mo? Bakit mo s'ya tinatawag?"

"Heh!"

"Good morning, Green."

"Good morning! Aray! Hindi ako makatayo! Nabali yata leeg ko. Ang tigas ng tiyan mo kainis!"

"May abs ako, eh."

"Sus. Lul," I murmured and he laughed. 

Tumayo s'ya at tinulungan n'ya akong tumayo bago kami parehong nag-inat. "May muta ka," sabi n'ya.

"Nagsalita ang parang walang bakas ng tuyong laway sa mukha," banat ko naman.

"Hindi ako naglalaway. Baka ikaw 'yung naglaway kasi ang gwapo ng katabi mo kaya nilawayan mo ang mukha ko."

Kung ibang tao siguro ang nagsabi n'un ay hindi ko lang sinapak kundi inilagay ko pa sa drum at binuhusan ng semento. Pero, sa kanya, alam kong walang halong kalandian o anumang eklat kaya napapalampas ko.

"Oo,  laway ko 'yan. Dinuraan ko 'yang fezlak mo, mukhang tae kasi," I replied.

He laughed again. "Kung makalait talaga 'to, parang ang ganda-ganda."

"Maganda ako, h'wag kang ano. Tara, kain tayo ng breakfast sa Jollibee," anyaya ko sa kanya.

"Libre mo?"

"Ang bata ko pa para maging Sugar Mommy, ha. 'Tsaka itong mukhang ito, manunuhol para lang patunayan ang ganda n'ya? No way! Maghunos-dili ka d'yan sa pag-i-imply mo na kailangan kong magbayad para sa atensyon."

"So, aminado kang gusto mong makuha ang atensyon ko, Green?" He smirked.

"Red, kung anong niliit ng mata mo ay 'yun namang kinapal ng mukha mo."

"I love you, too."

"Pakyu," I answered before I left his bedroom.

Hanggang kuwarto ko ay naririnig ko ang halakhak n'ya. "Ang lala na ng tama sa utak nitong Intsik na 'to," I mumbled as I lay on my bed. Bumukas ang pinto ko at sumilip s'ya.

"Hoy, hindi ka ba marunong kumatok? Anong sinisilip-silip mo d'yan? Binobosahan mo ako?"

"Kaboso-boso ka ba? H'wag feeling. At kakatok pa ba ako, eh, bukas na? Mukha naman akong tanga n'un."

"So, what's new? Matagal ka na kayang mukhang tanga."

"Alam mo, dahil sa kakalait mo sa akin, ma-i-in love ka talaga n'yan. Ikaw rin, mahirap ma-fall sa isang tulad kong habulin."

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon