Chapter 16

165K 8K 1.4K
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit s'ya umalis. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako umiiyak samantalang kagabi lang ay kasama sa pampatulog ko ang pag-iisip ng paraan kung paano s'ya palayasin. Napaupo ako sa hagdan pagkasara n'ya ng pinto. Narinig ko ang tunog ng kotse n'yang papalayo pero 'di ko naman magawang tumayo para pigilan s'ya.

He left. He actually left me. I angrily wiped my tears with the back of my hand. I couldn't find an explanation why seeing him leave was painful. I couldn't understand why it hurt.

But it hurt like hell.

"Gagong 'yun, hindi man lang inabot sa akin 'yung pera para nabilang ko. Mamaya kulang 'yan."

I wept like a lunatic.

The house felt empty without Red. And my chest felt hollow. As always, inisahan na naman ako ng loko, inunahan na n'ya ako at umalis na s'ya bago ko pa man s'ya palayasin.

"Nakakainis ka, Red!"

Para akong tangang nagngangangawa sa may hagdanan.

Feel na feel kong um-absent pero ayokong isipin n'ya na sobrang devastated ang ganda ko n'ung umalis s'ya. Tumayo ako para maligo at kahit habang nasa loob ng banyo ay iyak ako nang iyak.

"Wala na akong tagalinis, tagaluto at tagaplantsa!" I wailed. "Sana hinintay mo na munang nakahanap ako ng kasama! Ang sama-sama mo talaga!"

Pagkatapos kong maligo ay umakyat ako sa itaas at mabilis na nagbihis. Dahil sa pag-iinarte at pagdadrama ko ay ang tagal ko sa banyo kaya 'di ko tuloy namalayan ang oras. Lalo akong nagtagal kasi kailangan kong gamitin ang sarili kong sasakyan na hirap na hirap akong ilabas ng gate sa sobrang dami ng dumadaang kotse na nagmamadali rin at ayaw magbigay.

Bwisit ka talaga, Red! Kahit 'yung traffic ay gustung-gusto kong isisi sa kanya.

Sa Gym ang una kong subject at mabuti na lang at Philippine Games ang nakuha kong P.E. kaya puro laro lang ang ginawa namin. At least man lang ay nakalimutan ko ang inis ko kay Red kahit isang oras. Walang subject na magkaklase kami sa araw na 'yun kaya hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya. I was so mad at him that I even deleted him from my phone's contacts.

"Bahala ka sa buhay mo!" I angrily muttered to myself.

Ilang beses kong nakalimutan na may dala akong kotse kasi nasanay na akong hatid-sundo n'ya ako sa klase. Lalo tuloy akong naasar kasi naghihintay ako sa kanya sa labas ng classroom ko nang ilang minuto bago ko naaalalang magkagalit nga pala kami at nag-alsa-balutan nga pala s'ya kaya wala nang susundo sa akin.

"Gianna!" Narinig ko ang boses ni Gian at lumingon ako para ngitian s'ya.

"Uy."

"Saan ang next class mo?"

"Wala, tapos na," I said. Nasa 3rd floor kami ng AS at naiinis ako kasi wala akong kasabay kumain ng isaw dahil traydor si Redley at iniwan n'ya akong mag-isa.

Tuwang-tuwa pa man din ako na magkapareho 'yung oras ng mga klase namin tapos—

"Do you want to hang out with me?" Gian asked.

I shook my head. "No. Sorry. Masama kasi ang pakiramdam ko." I smiled at him to soften the rejection.

Bwisit ka, Red! Kahit sa crush ko nawalan ako nang gana! Ikaw kasi!

Pero, hindi ako umuwi ng apartment at baka lalo lang akong malungkot. "Chura nito ni Intsik! Akala n'ya hindi ko kayang wala s'ya? Feeling s'ya, ha!" I angrily muttered.

Dumiretso ako sa mall para manuod sana ng sine kaya lang parang ang pathetic na mag-isa akong manunuod kaya tumambay na lang ako sa Starbucks at nagbasa ng libro.

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon