Chapter 9

248K 7.1K 598
                                    

Aminado naman akong nagpakatanga ako kay Albert. Aminadong-aminado rin ako na pangit s'ya at kasuka-suka ang pagmumukha n'ya. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay 'yung kadramahan ng langit na maya't maya ay pagtagpuin kami. Nangangamoy meant-to-be kasi at iniisip ko pa lang na s'ya talaga ang para sa akin ay parang gusto ko nang magpasagasa sa tren.

"Lalim ng iniisip mo," puna ni Redley. "H'wag ka ngang sumimangot d'yan, nakakawalang ganang kumain."

"Sa tingin mo naman ay inspired na inspired akong ngumuya habang ikaw ang nasa harapan ko? Nasusuka na nga ako sa asar kung 'di lang ako nasasayangan dito sa tocinong in-order ko, 'no."

"Bakit ka asar? Dahil ba ang gwapo ko at ngayon mo lang na-realize?"

Wow, pare hanep sa arrive!

"Hoy, Intsik umayos ka nga. Gwapo ka? Saan banda? Kasi paniguradong hindi 'yang mukha mo ang tinutukoy mo at mukha kang panis na espasol. Bago ka magsabing gwapo ka, ha, ay manalamin ka muna. 'Di bale, bibili ako ng malaking salamin sa SM para naman sa bahay pa lang ay kitang-kita mo na ang katotohanan."

"Kung maka-insulto naman itong si Green, parang hindi s'ya dumantay sa akin at sumiksik sa kilikili ko nang buong-puso kagabi."

I looked at him in disbelief.

"Ayaw mong maniwala? Itinulak nga kita palayo, eh. I was thinking, grabe naman maka-take advantage itong babaeng ito sa kahinaan ko. Hindi porke't akala n'ya tulog ako ay pwede na n'ya akong pagsamantalahan."

"Buhusan kaya kita ng pineapple juice d'yan para magising ka?"

"H'wag ka namang naninigaw, ang aga-aga. Kawawa naman talaga ang mapapangasawa mo at siguro isang taon pa lang kayong kasal ay bingi na 'yung tao."

"Pakibaba ang kilay ko, ha. Kung makasabi naman 'tong kawawa ang mapapangasawa ko ay parang ang suwerte ng mapapangasawa n'ya."

"Shh... nakakahiya sa ibang kumakain." He gave me a wink before he grinned.

Alam kong mambubuwisit lang s'ya kasi iilan pa lang naman ang tao sa Jollibee at nasa bandang dulo kami kaya wala kaming katabi. Pero, dahil siguro buraot na ako kay Albert ay kahit na ano ang sabihin n'ya ay ikinakabanas ko.

"Nahihiya ka sa ibang kumakain pero sa akin ay hindi? Sa akin na nagpatira sa'yo sa apartment ko, dahil sa angking kabusilakan ng aking puso, ay hindi ka nakakaramdan ng kahihiyan?"

"Ako pa talaga ang mahihiya sa'yo? Ako na kamuntikan mo nang masagasaan kasi broken-hearted ka at ang dahilan kung bakit hindi ako nakapagbayad sa boarding house na tutuluyan ko sana dahil namaga ang paa ko ang dapat na mahiya sa'yo?"

"Maghanap ka ng ibang matitirhan mo!"

"Okay. Maglakad ka pauwi kasi ako ang may dala ng sasakyan. Bili ka na rin munang palakol at palakulin mo ang pinto kasi nasa akin ang susi ng bahay."

"Walanghiya ka..."

"Parang s'ya meron..."

"Meron talaga!"

"Oo nga pala may hiya ka. Taste lang ang wala ka kasi pumili ka na lang din ng gagawing boyfriend d'un pa sa mukhang patay na kuko na niloko ka lang."

Bwisit na 'to, ah!

Nanggagalaiti ako sa galit. Asar na asar talaga ako sa katangahan ko kay Albert at itong gagong Intsik na hayop na ito ay talagang feel na feel pang ulit-ulitin!

"Bwisit ka, alam mo ba 'yun?"

"Asar ka na n'yan? Sa susunod bago ka mag-boyfriend isipin mo munang mabuti at 'di 'yung nagpapadala ka lang sa kabaitan n'ya. Hindi mo malalaman kung talagang mabait ang tao unless he is forced into circumstances that would reveal his true nature. Mamili kang mabuti at siguraduhin mo sa susunod ay pwede mong ipagmalaki ang taong bibigyan mo ng chance na manggago sa'yo. Look at it this way, Green, no matter what you do now, nakakabit na 'yung mga salitang ex ni Albert sa pangalan mo. So, next time make sure that he'll be worth the trouble."

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon