His lips felt warm as he kissed me. One of his arms snaked around my waist as the other draped around my shoulders to pull me possessively flush against him. I didn't respond; I didn't know how. But I learned that if you hold your breath while someone is kissing you, you'll end up gasping for air.
"Red, teka lang..." I wheezed pushing him away. I was panting for air and was literally reminded how one's kiss could take your breath away.
"Green, what's wrong?" he asked but I could only shake my head and lift a hand to ward him off. "God, Green! Talk to me! Anong nangyayari sa'yo?"
"Tubig..." I coughed.
Inaasahan kong tatakbo s'ya para ikuha n'ya ako ng isang basong tubig pero kakaiba talaga si Redley kasi kinarga n'ya ako hanggang sa harapan ng refrigerator bago nagmadaling magsalin ng tubig sa baso na agad n'yang inabot sa akin.
"Here," he said.
I took a gulp and tried my hardest to breathe normally. I took another sip when my breathing evened before I handed the glass back to him.
"Anong nangyari sa'yo?" he asked gently patting my back. "Are you okay now?"
"Oo," I murmured.
Halatang concerned na concerned s'ya pero ang nakakaloka ay s'ya naman ang dahilan kung bakit hindi ako makahinga kanina.
Nagkatititigan kami at wala akong balak magbaba ng tingin.
"Green, please say something," he said and indeed something in me snapped.
"Something mong mukha mo! BWISIT KA!" pasigaw na sagot ko sa kanya. "Manyakis ka, eh! Manyak ka! Bakit mo ako hinalikan?! Hindi na tayo bati! Hindi na kita kaibigan! Ayoko na sa'yo! Hindi na kita best friend kahit wala pa akong makitang pamalit sa'yo bilang best friend ko!"
"Okay," kalmado n'yang sagot.
'Yun lang ang sinabi n'ya. Napaka-anticlimatic at pakiramdam ko tuloy ay para akong nalugi.
Aba, ang loko. Okay lang sa kanyang hindi ko na s'ya pansinin? Baliw pala itong isang 'to. Bakit ko ba pinahalagahan 'yung friendship namin nito?
"Okay? 'Yun lang ang sasabihin mo? Hindi ka man lang mag-so-sorry sa akin, bwisit ka! Nakailang tsansing ka na sa akin, ah! You are taking advantage of me! Binabastos mo ako!"
"Hindi kita binastos. Ano ka ba naman, Green. Umamin ka na kasi. Sobra ka kayang halata. Alam kong nagselos ka kanina kaya ka umalis. Nakita ko kung paano nag-U-turn ang taxi na sinakyan mo. Alam ko ring dito ka pupunta kaya sumunod ako. You have feelings for me, Gianna. For Pete's sake, why won't you admit it?"
"What? Ako? May feelings sa'yo? Masyado kang feeling! Ano ba naman 'yan! At ano ba naman ang kagustu-gusto sa'yo? Oo, sabihin na nating may-hitsura ka—fine! Gwapo ka, oo na, sasabihin ko nang gwapo ka nang matahimik ka na! At utang na loob, pwede bang h'wag kang ngisi nang ngisi d'yan! Oo, marunong kang magluto, maglinis ng bahay, maglaba, mamalantsa, maghugas ng pinggan, at magpakaalipin! Husband material ka, in other words! Tapos matalino ka, malambing at maalalahanin! Oo, perfect ka! Pero, sagutin mo nga ako kung anong kagustu-gusto sa'yo?!" I defensive yelled.
He laughed.
Bigla akong natigilan. Parang walang sense 'yung sinabi ko, I thought as he continued laughing.
"Thank you, Green. You just confirmed my suspicion. May gusto ka nga sa akin," he announced grinning.
"Pwede bang pakibawas-bawasan kahit kaunti ang kakapalan ng mukha mo, Redley? Utang na loob, ha." Inis na umalis ako sa harapan n'ya.
