I wasn't surprised hearing what I heard. Hindi ko alam kung assuming lang ba ako, feeling maganda, nagmamaganda, o kaya ay nalipasan lang ako ng gutom kaya hindi na ako nagulat. It was like I expected him to say those words.
Pero, kahit hindi ako nagulat sa sinabi n'ya, hindi ko rin naman alam kung maniniwala ba ako o hindi. Masyado kasing kumplikado 'yung sa amin ni Red. Sa sobrang kumplikado n'ya ay dinaig pa n'ya 'yung Math 17 word problem ko kung saan may gwapong lalaking mala-Channing Tatum ang peg na nasa itaas ng lookout tower na 80 feet high at 'yung kinakatayuan n'ya ay 6.5 meters ang baba mula sa tuktok ng tore tapos may isang punong may angle of elevation na 12°40' at angle of depression na 72°14' at kailangan mong malaman kung gaano kataas ang puno given na 'yung base ng tore at puno ay magkapareho.
Leche. Sakit sa bangs.
Naipasa ko ang subject kong 'yun kahit dinugo ang utak ko. Pero, itong sa amin ni Red? Baka tunaw na lang ang kalamnan ko ay hindi ko pa ito ma-so-solve. Iniisip ko kasing kung maniniwala ako, nangangahulugan ba 'yun na in-a-acknowledge ko ang feelings n'ya? At kapag in-acknowledge ko ang feelings n'ya at 'di ko s'ya pinaalis, ibig bang sabihin ba ay ni-re-re-reciprocate ko ang nararamdaman n'ya? Pero, kung didedmahin ko naman, manhid ba ako? Walang puso? Hindi tao? Uto-uto? Because I could not discount the fact that he might be joking. Eh, kengkoy pa man din ang loko, baka naman pinapasakay n'ya lang ako.
"Sumagot ka naman," the subject of my mathematical-like agony murmured. "Green?"
I opened my mouth to speak but no words came out. I was closing and opening my mouth like a pantomime actor and he was watching me avidly.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin," I finally said.
Boyfriend-material si Redley. Hindi lang boyfriend-material kundi husband-material pa. Saan ka naman makakahanap ng lalaking marunong magluto, maglaba, maglinis ng bahay at mamalantsa? Na may abs. Laslas na. One of a kind. Unique. Dapat sa kanya ay inilalagay sa museum. Pero, ang tanong, type ko ba s'ya?
That, I wasn't certain. He's definitely pleasant to the eye. He's tall, charming, smart, and a nice guy when he's not busy pissing me off.
"Kahit ano, sabihin mo. Pakikinggan ko," he sounded desperate.
"Kasi..." I looked at his eager face and I was sure of two things – I couldn't stand to see him leave but I couldn't bear shaming my family by living with a guy that I would be romantically involved with.
Siguro kung ikukuwento ko sa iba 'yung dilemma ko ay maaartehan sila sa akin nang bongga. Ang pili ko naman. 'Ayun na nga, eh, love life na hihindian ko pa. 'Ayun na nga 'yung grasya, pagdadalawang-isipan ko pa. Ito na ang sagot sa kabwisitan ko sa ex ko kusa nang lumalapit tapos tatanggihan ko lang.
Oo, teenager ako, teenager na walang love life; teenager na ipinagpalit ng jowang mukhang bisugo sa ibang babae at teenager na naghahanap ng kakikiligan. Pero anak din ako – may nanay, tatay, mga kuya, lolo, lola, mga tito at tita, na maloloka at mababastos kapag nalaman nilang nakatira ako sa iisang bahay na kasama ang isang lalaki.
I knew I could easily get away with it if we were in a platonic relationship. Parang nasa tamang rason pa, eh. Parang ang dali pang sabihin na: Mommy, magkaibigan lang po kami. Nothing romantic. Pero 'yung may halong amor na? Medyo pakiramdam ko ay hindi na katanggap-tanggap.
"Shit. Sabi ko na basted." He rolled onto his back and I watched his profile as he stared at the ceiling. "Sabi ko na nga ba wala akong pag-asa sa'yo, eh. Dapat 'di na lang ako nagtapat. Pero, anong magagawa ko? Nagkakagusto na ako sa'yo, Green. Pakiramdam ko hindi ka maniniwala kasi wala na tayong ginawa kundi ang magbiruan. Sana nga joke lang 'to, pero, totoo itong nararamdaman ko para sa'yo. I see you as someone who's more than a friend."
![](https://img.wattpad.com/cover/19241807-288-k779280.jpg)