2

16.6K 330 8
                                    

"MA'AM CELESTINA, ano po tanggal na po ba ako?"alalang tanong ng makalabas na si ma'am galing sa opisina ni big boss.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng ngumiti siya sakin.

"Hindi, okay na napaliwanag ko ng mabuti. Masanay ka na kay sir ganon lang talaga siya minsan. Masungit pero ako na nagsasabi sayo mabait naman si sir"anito na mas ikinaluwag ng paghinga ko.

"Akala ko talaga chugi na ako dito ma'am, kailangang kailangan ko pa naman ngayon ng trabahong ito"kinakabahan kong sagot.

Umiling lang siya sakin at naupo na sa harap ng computer. Binigyan niya ako ng mga gagawin ko, mga bagay na inutos daw ng boss namin. Mga for filing lang naman ang karamihan sa mga binigay niyang gagawin ko ngayon.

"Pagkatapos mo dyan, dalin mo ito kay sir sabihin mo for approval niyang lahat iyan."muling utos sakin ni ma'am.

"Hindi kaya pagalitan ako ulit ma'am"natatakot ko namang turan na ikinatawa nito.

"Hindi iyan, nagulat lang talaga si sir kanina. Kasalanan ko din kasi hindi kita sinamahan na magpakilala kanina. Pasyensya ka na ha, nawala na kasi sa isip ko na dapat pala ako ang nagpakilala sayo kay sir at hindi kita pinabayaan kanina."tumatawa na sagot nito sakin.

Nilakasan ko nalang ang loob ko, nang matapos ko na ang ginagawa ko binitbit ko na ang mga folder na binilin sakin na papirmahan kay sir Pogi.

Nakalimutan ko pa ngang itanong kay ma'am Celestina ang pangalan ni Big boss. Di bale na may nakita naman akong name plate kanina sa may ibabaw ng lamesa niya.

Tumikhim muna ako bago ako kumatok ng tatlong beses sa pinto saka ko binuksan ang pinto.

Tulad kanina ng pumasok ako tahimik ang buong kwarto. Tanging tunog lang ng papel at ugong ng aircon ang maririnig sa loob.

"Sir, sorry to disturb you. May papapirmahang lang po akong mga documents from finance department"kinakabahan ako sobra.

Baka kasi bigla na naman niya akong sigawan. Iyon pa naman ang weakness ko, kapag nasigawan na ako wala na akong say. Tiklop na ako sa isang tabi, tatahimik na lang.

"Just put it here"utos nito.

Napangiti naman ako dahil mukhang okay na si big boss di na siya beast mode. Kalma na eh, di na nakasigaw.

"Okay sir"

Mabilis ang kilos ko na lumapit sa kanyang lamesa at ilagay ang mga folder na hawak ko.

THIMOTHY ZULLETA
CEO

Basa ko sa name plate ni big boss, ang cute ng pangalan niya bagay sa kanya gwapo.

"Sir may ipag-uutos po ba kayo?"lakas loob ko ng tanong ng mailapag ko ang mga folder sa lamesa niya.

Doon lang niya ako nilingon, at pakshet na malupet. Gwapo na siya sa paningin ko kanina mas lalo pang gumuwapo sa malapitan.

Sa tagal ko sa Manila, madami na akong nakitang gwapo. Pero ngayon lang ako nakakilala ng ubod ng gwapong masasabi ko ng perfect. Wala man lang akong makitang pangit kay boss, lahat perfect na.

"Nothing you can go now"taboy niya sakin.

Napakurapkurap pa ako ng makita kong parang ngumiti pa siya sakin. Para akong namalikmata sa nakita ko grabe.

"Okay sir"kinakabahan kong sagot.

Nakakatatlong hakbang palang ako palayo kay sir Thimothy ng tawagin niya ako.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon