43

12.9K 434 38
                                    

KATIRIKAN NG araw naglalakad ako sa gitnang bukid. I don't know why I'm here at first.

Sabi kasi ng mga inupahan kong mga tao na dito ako pumunta.

"Tangina Thimothy, bakit sinama mo pa kami dito"reklamo ni Kurt.

Hindi ko nalang siya sinagot. Ako nga din nagtataka bakit dito kami tinuro ng mga taong napagtanungan namin.

Wala sila Vina sa Pampanga kaya dito kami sa Nueva Ecija napadpad. Sa loob ng isang linhgo mula ng makausap ko si Eva, ung dating kinakasama ni Tommy. Ngayon lang nagkaroon ng magandang lead kung nasaan sila Vina.

Pero nakakapagtaka lang bakit nasa gitna na kami ng bukid. Wala na nga akong makitang kabahayan sa paligid puro palay na ang nakikita ko.

"Ah shit!"mura naman ni Huge.

Paglingon ko naman sa mga ito nakita kong nalublob na ang mga loko sa putikan. Natawa tuloy ako sa mga itsura nila.

"Tangina ka, natawa ka pa"reklamo ni Alex.

Nakakatawa naman kasi talaga sila. Magdamit ba naman kasi ng formal. Alam naman nilang sa probinsya kami pupunta.

"Sa nakakatawa naman kasi kayo"tumatawa kong sagot sa kanila.

Parang mga bata na nalublob sa putikan samantalang ang lalaking damulag na ng mga ito.

"Just go, you dick head!"inis na taboy sakin ni Huge.

Tumatawa naman na nagpatuloy ako sa paglalakad para tuntunin ang sinabi ng napagtanungan namin kanina.

Naririnig ko pa din ang reklamo ng mga kaibigan ko mula sa likod ko. Tapos ilang hakbang pa ako naman ang nalaglag sa putikan.

Shit lang naman bakit kasi malambot ang naapakan ko. Akala ko lahat ng aapakan ko matigas pero bakit may malambot.

"Ayan pare-parehan na tayong taong putik"tumatawang kantiyaw ni Huge saakin.

Hindi nalang ako nagreact alam kong hindi matitigil ang mga loko kakakantiyaw kapag pinatulan ko sila.

"Malayo pa ba? Wala naman akong nakikitang bahayan dito"reklamo na naman ni Kurt.

"Panay ang reklamo mo. Hindi naman sinabi ni Thimothy na sumama ka."sita naman dito ni Alex.

"Hindi nga. Pero tinaboy ako ni Mariel. Kapag di ako sumama hindi niya ako papansinin na naman ng isang linggo"naiinis na reklamo ni Kurt.

Napailing nalang ako, at tumayo na sa kinalugmukan kong putikan.

"Papa?!"gulat na tawag sakin ng isang boses ng bata.

Paglingon ko nakita si Vince malapit saakin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang anak ko.

Putikan din siya na may hawak na pamingwit at napangiwi ako ng makita ang hawak niya sa kabilang kamay.

A bunches of frog.

"Vince"naiiyak kong tawag sa kanya.

"Kuya Manoy, pahawak po ako ng nahuli ko"masayang baling nito sa katabi niya.

Noon ko lang napansin na may kasama siyang binatilyo.

Nagulat pa ako ng timakbo ang anak ko palapit sakin. Namangha pa ako sa galing niyang magbalanse sa tumpok ng putik na nilalakaran namin kanina.

"Papa"masayang sigaw nito sakin ng magkayakap na kami.

Naiyak na ako ng tuluyan ng makayakap ko ang anak ko.

It's been almost seven months the last time I hug him this tight.

"Vince, anak"umiiyak ko ng tawag sa kanya.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon