45

14.3K 324 23
                                    

MAAGA PA lang nasa gitnang bukid na kami ngayon. Naglalakad kami papunta sa bukid na sinasaka nila Nanay Belen.

Nakakuha kasi ng maliit na bukid ang kapatid ni Vina na nasa ibang bansa. Iyon ang pinagkukunan nila ng gulat na tinitinda naman ni Vina ngayon sa bayan o talipapa na tinatawag na anak ko.

"Papa, mamaya kuha tayo ulit ng palaka"masayang aya ni Vince.

Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin aa kanya. Nahihilig talagang mamingwit ng anak ko. Buti sana kung isda ang bibingwitin niya. Kaso lang palaka naman, and worst kinakain pa nila ang kinukuha ni Vince.

"Anak, kasi..."paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi healthy ang gusto niyang kainin.

"Ayaw kamo ng papa mo ang palaka"singit naman ni Vina mula sa likod namin.

"Pero papa masarap po iyon"pang-eengganyo pa ni Vince.

"Ayaw ni Papa oh"pang-aasar naman ni Vina sakin.

Nagtitimpi naman ako napapikit. Talagang magkakampo ang mag-ina kong ito. I can't wait for my princess to grow. And I really wish na sana ako kakampihan ng baby Thea ko kapag nasa ganitong sitwasyon kaming mag-anak.

"Fine, sige na mangunguha tayo ng palaka mamaya"Walang kalaban-laban na sagot ko.

"Tsk! Di lang kukuha kakain pa si Papa. Ang galing ano anak"sabi pa ni Vina.

Napailing nalang ako habang nakatitig sa mag-ina kong nagbubunyi habang papalayo na sakin.

"Anong pinag-uusapan ng mag-ina mo?"takang tanong naman sakin ni Kurt.

Siya lang ang sumama samin dito sa bukid. Ung dalawa maaga ding nawala. Si Huge kasama daw si Vanessa, si Alex hindi ko alam kung nasaan.

"Wala, basta mamaya samahan mo akong may pupuntahan tayo"sagot ko nalang.

Kapag nalaman nitong kukuha sila ng palaka mamaya baka umatras ito. Lagot na ung dalawa hindi ko na mahagilap kahit si Kurt nalang maisama ko.

Napapailing nalang ako kapag naiisip ko ang gagawin ko mamaya.

"Ang bagal mo daw sabi ni nanay"sigaw ni Vina sakin.

Para naman akong nacharge bigla. Nandito nga pala ako para magpaimpress sa biyanan ko.

"Sandali lang love"masayang tumakbo naman ako palapit sa mag-ina ko.

Sa tatlong araw kong pagdaan ng daan sa pilapil which is ung tumpok ng putik na dinadaanan namin nila Vina nasanay na ako. Hindi na ako basta-basta nalalaglag o nadudulas. I learned how to balance myself and I master it very well.

Sa buong maghapon kayod kalabaw sabi nga ni Vina.

Alam ko hindi na sanay si Vina sa mabibigat na trabaho. Lalo pa at ilang taon din naman siyang nagstay sa Manila. Tapos ng magsama kami ayaw kong magtrabaho pa siya ng mabigat. Pero kung titignan mo ang asawa ko ngayon. Mukhang sanay na siya sa ganitong mga trabaho.

.................

"HMMM! Masarap ang pagkakaluto niyo ng adobo nanay Belen"masayang puri ni Alex.

Ang ganang kumain ni Huge at Alex while me and Kurt halos masuka-suka naman kahit pa hindi ko magawang sumubo.

I still remember kung paano namin hinuli ang mga palaka na iyan. Thou noong huli nag-enjoy na kami sa paghuli iba pa din kapag heto na at kakaiinin mo na.

We started by getting the bait, sabi ni Manoy uod daw ang the best na pain para sa mga palaka. That why naghukay pa kami ng mga bulate then tinusok pa namin iyon sa isang damo na mahaba ang tangkay na hindi ko alam ang tawag.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon