29

10.7K 354 29
                                    

"ISANG POSE pa dali"tuwang-tuwa na sigaw ni Mariel.

Napailing nalang kami ni Thimothy habang sinusunod ang utos ng kapatid niya.

Binyag ngayon ng anak namin. Sawakas nabinyagan din ang anak namin. Simple lang sana ang binyag na gaganapin. Pero dumating si Mariel, ano pang aasahan mo. Tapos isama pa ang mga kaibigan ni Thimothy na mga ninong din ng anak namin. Hayun ang simole naging bongga na wala kaming ginastos.

Ang ipon naman hindi nagalaw kaya kahit papaano may pangsimula kami ulit. Lalo pa ngayon na madadagdagan na naman kami.

I'm two months pregnant. Pero hindi pa alam ni Thimothy, mamaya ko pa lang sasabihin sa kanya.

"Buti naman naisipan mo ng pabinyagan itong anak mo Bro"masayang turan ni Huge.

"Nag-iipon lang ako"sagot naman ni Thimothy dito.

Nasa venue na kami ng reception ng binyag. Dapat sa tapat lang ng bahay namin ang reception pero sabi ko nga dumating si Mariel sinagot niya lahat.

"Dapat sinabi mo nalang kuya. Papadala naman ako"singit naman ni Mariel.

"Hindi na Mariel. Sinagot mo na nga ung panganganak ko pati ba naman itong binyag sinagot mo na din. Nakakahiya naman sayo"sagot ko naman.

"Alam mo Vina, were family. Ang pabebe lang nila mom and dad, for sure kapag nakita nila itong bibong pamangkin slash inaanak ko pauuwiin na kayo ng mga iyon agad"nakangiti si Mariwl habang nilalaro ang anak ko.

"Mom and dad will never be that generous. Kilala mo sila Mariel, hangga't wala akong mararating sa buhay ko ngayon wala din silang ibang gagawin kundi ipamukha sakin na mali ang napili kong desisyon"seryosong singit naman ni Thimothy.

Natahimik naman kaming lahat, lalo na ako.

"I will never leave my wife and my son. Kahit maghirap na ako habang buhay. Basta kasama ko sila, kakayanin ko silang buhayin kahit habang buhay na akong mamasada ng tricycle"may galit ang tono ng pananalita ni Thimothy.

Tinapik ko ang braso niya sabay himas dito na ikinalingon niya sakin.

"I love you so much Vina. Kayo ni Vince ang buhay ko"bulong niya sakin.

"His only possession he have"ani naman ni Mariel.

Narinig ko na iyon dati na sinabi niya sakin. Noong ikakasal palang kami ni Thimothy.

"Your only possession"ganting bulong ko kay Thimothy.

Ngumiti naman si Thimothy bago niya ako halikan sa labi ko. Papalalimin pa sana ni Thimothy ang halik niya sakin kaso lang agad siyang inilayo sakin ng anak namin.

"No! Mama lips mine"nakasimangot pa na sigaw ni Vince.

Tawa naman kami ng tawa sa naging reaction ni Thimothy.

"Kaya ngankita binabinyagan para bumait ka naman sakin wala din naman palang mangyayari ganon ka pa din, tiyanak pa din"inis na sita ni Thimothy sa anak namin.

Tiyanak ang tawag ni Thimothy sa anak namin kapag ako na pinagtatalunan ng dalawa. Kapag pinag-aagawan na nila akong mag-ama.

Pero close ang dalawa, kapag nagkasundo na sa isang bagay wala na ako naman ang hindi makasingit sa kanila.

"Poging tiyanak naman po"supla naman ni Vince sa ama.

"Pasalamat ka anak kita kaya gwapo ka"patol naman ni Thimothy sa anak.

"Tama na boss, nagsisimula na naman kayo" saway ko dito.

"Tumanda ka lang Thimothy, pero wala ka din namang pinagbago"natatawa pa ding reaction ni Kurt.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon