6

12.3K 318 7
                                    

MATAPOS ang nakakahiyang pangyayari sa mall ng minsang kasama ko si boss. Hindi na siya natigil sa pagpapahaging sakin.

"Damn! Iyan na naman ang suot mo"inis na sita niya sakin.

Inorapan ko nga, napansin ko din kasi simula ng palda na ang isinusuot ko madalas na minamanyak niya ang utak ko.

"Walang masama sa suot ko sir"sagot ko nalang.

Napailing naman siya sakin bago niya ako iwanan at pumasok na sa loob ng opisina nito.

Wala pang sampong minuto may grupo ng mga kalalakihan ang lumabas sa elevator.

"Hey are you the new secretary?"tanong noong isang singkit.

Ngumiti naman ako ng todo bigay. Minsan lang itong pagkakataon na palibutan ng mga super popoging lalaki. Samantalahin ko na ang moment.

"Good morning mga sir, and yes I'm Vina Robles the new Secretary of Engr. Thimothy Zulleta"pagpapasikat ko naman.

"Cool!"sagot noong moreno.

"I didn't know na mahilig na pala si Thimothy sa lesbian"bulong nung mukhang kano sa singkit.

Kala naman ng mga ito hindi ko maririnig ang sinabi. Ang lakas kaya ng pagkakabanggit niya. Nagtakip pa ng bibig pero hindi naman hininaan anh boses.

"Mawalang galang na po mga sir, pero ano po ang kailangan niyo? May appointment po ba kayo kay Engr. Zulleta?"pigil ang inis ko na tanong sa kanila.

"Hmmm...actually wala. But we're here to tackle business matter to Thimothy" sabi nong singkit.

"Sir mind if I get you names para mainform ko po si Sir Thimothy"

"Tsk no need Vina. Tandaan mo nalang mga pagmumukha ng mga kumag na ito"agaw ng pansin ko ni Sir Thimothy.

Di ko namalayan na nakalabas na pala siya sa opisina niya. Nakita niya siguro na kinakausap ko ang mga ito.

Glass wall lang kasi ang naghihiwalay samin ni sir. Iyong bang salamin na wala kang makikita mula diti sa puwesto ko pero kitang kita ka ni Sir mula sa loob. Parang sasakyan tinted ba.

Iniwanan naman ako ng mga iyo at pumasok na sa loob ng opisina ni sir.

Wala naman siyang inutos sakin na ikuha sila ng coffee o ano kaya nagpalipas lang ako ng ilang minuto at kumatok na ako sa pinto. Tatanungin ko lang kung may kailangan sila.

"Sir--"

"Lalabas kami Vina, we're going on site visit today. Pwede ka ng maghalfday bukas na ako babalik. But hindi dahil pinayagan kitang maghalfday aalis ka na dito na hindi nagagawa ang trabaho mo. Do it first bago ka umuwi. Okay"seryosong masyado si sir.

Tango nalang ako wala naman akong say sa kanya.

..............

DAHIL MASUNURIN akong empleyado. Maaga akong umuwi, namili pa nga ako ng ulam namin para ngayong hapunan.

Sigurado matutuwa si Tommy dahil.maaga akong umuwi ngayon. May bonus pa na makapagluluto ako ng ulam namin ngayong gabi.

"Oy Vina ang aga mo namang umuwi"masayang bati saakin ng tatay nila Tommy.

"Ah wala po kasi anh amo ko tito"

Timango nalang ito, ito lang ata ang mabait at si Tommy sakin. Kahit papaano naman kasi wala akong matandaan na pinakitaan niya ako ng hindi maganda. Pero wala don siyang naitutulong sakin kapag pinaparusahan ako ni Tommy.

"Aba, himala at hindi ka nanglalaki ngayong araw ha bruha"sita naman sakin ng ate ni Tommy.

Hindi na ako nagsalita at nilagpasan ko nalang siya. Masisira pa ang araw ko kung papansinin ko siya.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon