7

11.6K 264 31
                                    

PARA AKONG binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan ko ng bigla kong maramdaman na parang may kung anong bagay ang tumutusok sa ibabang parte ng katawan ko.

Nawala ang tama ng alak sa katawan ko ng hindi lang iyong matigas na nanunuklaw ang naramdaman ko. Pati kasi labi ko basa na hindi dahil sa laway ko kundi sa labi ng boss ko.

"Sir Thimothy!"saway ko sa kanya ng mahanap ko ang lakas ko para itulak siya.

"What?"parang nainia pa siya sakin na pinigilan ko siya.

Nilalantakan lang naman niya ang bibig ko. Aba para kay Tommy lang ang lips ko ha. Kahit pa nagagalaw ako ni Boyet ung kuya ni Tommy hindi naman ako nagpapahalik sa labi ko don.

"Uuwi na ako sir"sigaw ko.

Parang naiinis naman na tinitigan ako ni Sir Thimothy.

"Noway after tat steamy hot kiss we shared. Uuwi ka nalang basta"reklamo na naman nito sakin.

Napakamot naman ako ng ulo ko. Lasing na ako pero mukhang mas lasing si boss sakin.

"Sir, mali nga. Oo hinalikan kita pero hindi ibig sabihin non magtataksil na ako kay Tommy. Sorry po"pasigaw na naman.

Ngayon ko lang narealize na ang ingay talaga sa ganitong lugar. Uuwi nalang talaga ako baka nakauwi na si Tommy ngayon malalim na ang gabi.

"Hatid na kita"sagot naman ni Sir Thimothy na iling lang ang sagot ko.

Agad kong hinanap ang mga kasama ko pero di ko makita si Grace baka naitake out na iyin ah. Itetext ko nalanh siya siguro.

Deretso ako sa labas ng bar, tumawag ako agad ng taxi. Napaismir ako ng maalala ko ang sinabi ni Tommy na ginastos na nito ang pera namin.

Halos magkandakuba na nga ako sa pagtatrabaho. Tapos sobrang tipid ko sa pera ko para may maiambag ako sa ipon namin tapos gagastusin lang niya ng ganon.

Minsan nga sa sobrang pagtitipid ko naglalakad nalang ako kapag kayang kong lakarin.

Kaya ngayon todo gastos ako. Talagang nag taxi ako at bumili ako ng mahal na alak para mapakinabangan ko naman ang pera ko.

Pagdating ko sa bahay namin sarado na lahat at patay na din ang ilaw.

Aba hindi na ako sinalubong ng hayop.

Pagpasok ko sa loob ng bahay tahimik.

Tanga malamang tulog na mga tao madaling araw ka ba naman umuwi. Sermon ko sa sarili ko.

Deretso na ako sa loob ng kwaryo namin ni Tommy. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Tommy na nakaupo pa din sa wheel chair niya at galit na nakatitug sakin

Inirapan ko lang siya at nilagpasan.

"P*tang ina kang babae ka saan ka nang galing ha!" Sigaw sakin ni Tommy.

Hindi ko siya pinansin, kahit ngayon lang may pride man lang akong maipagmalaki sa kanya at maipakita kong galit ako sa kanya.

"Tangina ka kinakausap kita"hinabol niya ako.

Hindi na ako nagtaka dahil may gulong ang inuupuan ni Tommy kaya mabilis niya akong abot.

Kahit na nakaupo siya sa wheel chair malakad pa din ang braso at kamay ni Tommy. Naibalya niya ako sa paanan ng kama namin at tumama ang balakang ko sa poste ng kama namin.

Plakda ako sa sahig matapos iyon. Ang masakit pa nagulungan ni Tommy ang kamay ko ng lumapit siya sakin na ikinasigaw ko.

"P*tang ina ka! Hindi ka mapirmi sa bahay na ito at nagp*p*ta ka pa sa labas ng bahay! Tignan mo ang itsura mo pokpok na pokpok ang dating mong punyeta ka!"hawak niya ng mariin ang magkabilang pisngi ko.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon