42

12.3K 353 22
                                    

AFTER A HEART shuttering moments namin ng mga magulang at kapatid ko sa America. We all went back to the Philippines para hanapin na ang mag-iina ko.

By instinct una kong pinantahan ang bahay namin sa probinsya. Only to find out na wala doon ang mag-iina ko. Mas nag-alala ako dahil wala naman ng ibng mapupuntahan si Vina.

Sa ilang taon naming pagsasama alam kong wala na talaga siyang lugar na mapupuntahan dahil na din sa nakilala ko siyang iyon din ang bukambibig.

Na kaya ito nagtitiis sa poder ni Tommy noon bukod sa mahal nito ang lalaki wala na din kasing ibang mapupuntahan si Vina. Kaya nagtataka ako kung saang lupalop kaya napadpad ang mag-iina ko.

Pagbalik ko sa Manila agad akong naghire ng Private Investigator para hanapin sila Vina.

Halos isang linggo na din akong pabalik-balik sa bahay nila George para pakiusapan ang asawa nitong si Grace. Ito lang kasi ang makakatulong sakin para mahanap ang mag-iina ko.

"Sige naman na Grace sabihin mo na kung saan nagpunta sila Vina"pangungumbinsi pa din ni George sa asawa nito.

Nandito na naman ako sa bahay ng mag-asawa para kausapin si Grace na sabihin na kung saan nagpunta ang mag-iina ko.

"Wala ng akong alam, ang kulit mo ha"naiinis na sagot naman nito.

"C'mon Grace. I need to find my family. Oo nga may pera si Vina pero darating ang araw mauubos din iyon. And that baka nasa panganib pa sila kasi wala sila sa bahay namin sa probinsya"paliwanag ko naman.

"Sir Thimothy. Nagsasabi ako ng totoo wala akong alam. Noong nagpaalam si Vina sabi niya uuwi na sila sa probinsya. Ang huling text niya din sakin nakarating na nga daw sila ng maayos doon. Kahit ako nag-aalala na din po sa kanila kasi kahit anong tawag ko di ko na macontact ang number ni Vina"paliwanag din naman ni Grace na paulit-ulit ko ng naririnig.

Marahas naman akong napabuntong hininga habang hindi ko na alam ang gagawin ko.

Habang tumatagal na hindi ko makita ang mag-iina ko mas nag-aalala ako para sa kanila.

Pathetic na kungbtawagin pero talagang nag-aalala ako para sa mag-iina ko. Kahit pa sabihin na ako naman talaga ang dahilan ng paglayo nila Vina.

"Can you just recall kung anong bus ang sinakyan nila Vina"pagmamakaawa ko na naman sa kanila.

"Sorry talaga sir. Nagpakuha lang si Vina sakin ng Taxi. Ayaw niyang magpahatid sa terminal ng mga bus kasi baka daw maiyak siya. Kung alam ko lang na mangyayati ito hindi ko na sana sila pinayagan na umalis. Kaso mapilit siya kilala niyo naman ang kaibigan ko na iyon. Kapag nakapagdesisyon na iyon na anv gagawin niya"sagot naman nito.

Laglaga ang balikat ko na umuwi sa bahay namin ni Vina. Dito na ako tumutuloy since I got back from the States.

"Vina nasaan ka na ba?"nag-aalalang kausap ko sa malaking portrait namin sa kwarto.

Wala namang nabago sa bahay namin ni Vina. Kung anong ayos ng iniwanan namin ito almost six years ago ganon pa din naman.

Mas masaya sana na nakabalik na ako dito kung kasama ko ang buong pamilya ko. Ngayon kaya ko ng ibigay ang lahat ng kailangan at gusto ng pamilya ko.

Hindi na mararanasan ni Vince na maghirap at magtiis sa maliit na bahay. Kasi kaya ko ng ibogay sa kanya ang dapat na tinatamasa niya since.he was born.

Kaso wala sila sa tabi ko.

Wala ang pamilya ko sa tabi ko ngayon at hindi ko alam kung nasaan sila.

....................

"BRO baka bumalik si Vina sa ex niya"suggestion ni Kurt.

Masamang tingin naman ang ipinukol ko sa kanya.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon