35

10.3K 287 20
                                    

NAMOMROBLEMANG nakapangalumbaba ako sa lamesa sa sala nila Grace. Wala ang mag-asawa ngayon dahil namalengke. Ako ang naiwanan para alagaan ang mga bata.

"Tita Vina, bakit niyo po tinititigan iyang pera?"inosenteng tanong sakin ni Harold ang anak nila Grace at George.

"Wala naman Harold, may iniisip lang ako"baling ko sa kanya.

Kasama pala niya ang anak ko, na maging siya nakatitig sa perang tinititigan ko ngayon.

"Mama, yan nalang po pera natin?"tamong naman ng panganay ko.

Alam kong maalam siya sa pera kahit na magfour palang siya ngayon.

Minsan kasi isinasama ng ama niya sa pamamasada ng tricycle noon. Tapos ito ang pinagtatanggap ng pamasahe ng sakay nito.

Isa pa namana din ni Vince ang galing ng ama niya sa mga numero kaya hindi na ako nagtataka kung bakit magaling siya sa math.

"Oo anak eh"nahihiya kong sagot.

Mula kasi ng lumuwas kami ng Manila panay gastos lang kami. Or should I say panay lang ang gastos ko. Buti nga libre pa ang pagkain, tubig, at kuryente. Tapos nang nanganak ako sagot naman ni Mariel ang gastos pati ang gatas at diaper ni Baby Theamina ng halos isang buwan.

"Mama, may ipon po ako"masayang tumakbo si Vince sa inuukupa namin.

Pagbalik niya may dala-dala na siyang maliit na alkansiya.

"Hindi ko po nigagastos ung baon ko mama"sabi pa nito.

Naiiyak naman akong tinawag ang anak ko para yakapin.

"Ang bait talaga ng kuya Vince ko"bulong ko sa kanya.

"Pambili po ng gatas ni baby Theamina mama. Big na po ako kaya okay na po akong di magbaon ng pera"sabi na naman niya na mas ikinaiyak ko.

Niyakap at hinalikan ko naman ang anak ko sa mukha niya.

"Big boy na talaga ang Kuya Vince ko, love na love niya ang kapatid niya"lambing ko pa sa kanya.

"Wow naman, naglalambingan ang mag-ina. Baby Harold ko halikanga din kay mommy. Love love mo nga din si Mommy"nakangusong tawag ni Grace sa anak nito.

Hindi namin namalayan na nakauwi na pala ang mag-asawa.

Ang dami nilang dala, kaya sinalubong ko naman sila para tulungan sa mga dala nila.

"Ang dami niyo atang pinamili?"puna ko naman sa kanila ng nasa kusina na kami.

"Oo Vina. Binili na kasi ang pang isang buwan na stock natin. Tapos binili na din namin ng gatas at diaper si Baby Thea"sagot naman ni Grace.

Napahinto naman ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi ni Grace.

"Naku, Grace wala akong pambayad ngayon sa inyo"Nahihiya na ako sa mag-asawa na ito.

Ang dami ko ng utang hindi lang pera pati na din utang na loob na din.

"Hindi naman ako naniningil Vina"pinanlakihan pa ako ng mata ni Grace.

Naiiyak naman na niyakap ko siya.

"Sus! Ito naman wag mo ng iyakan ang bagay na ito Vina. Sobrang dami mo na ngang hirap sa mga in-laws at asawa mo. Sama mo pa ang past mo, naku bugbog na bugbog na katawan mo. Maliit na bagay lang itong maitutulong namin ni George sayo"bulong sakin ni Grace habang magkayakap kami.

"Isa pa Vina, kaibigan ka namin. Alam naman namin na wala kang ibang malalapitan kundi kami lang. Kaya wag ka ng mahiya okay. Pamilya na tayo"dagdag pa ni George.

..............

"Vina, kung may kailangan ka wag kang mahihiyang lumapit sakin ha"ani George.

Kami nalang dalawa ngayon dito sa loob ng kusina. Pinuntahan kasi ni Grace ang anak niya na nasa loob ng CR. Hindi pa kasi marunong ang anak nila na mag-isang magbanyo.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon