22

12.7K 277 17
                                    

A/n : hehehe naniwala na po kayo agad. Pwede.ba iyon end na agad. Wala pa nga tayo sa kalahati ng story. Well sinumpong lang ng kagagahan si author. Pagpasiyensyahan niyo na walang pera eh. Whahaha. Anyway eto na po ang continuation ng story.

................

"PARANG ayoko ng tumuloy"mahinang bulong ko para sa sarili ko.

Nasa tapat na kami ng main entrance kung saan gaganapin ang engagement party namin ni Thimothy. Isang linggo after ng wedding proposal ni Thimothy sakin ang party.

Ang bilis mag-organize ng mama ni Thimothy. Excited na daw kasi siyang makitang magmartsa ang isa sa mga anak nito papuntang altar.

After nga ng engagement party sunod na ang kasal namin ni Thimothy next month.

"That's also I want. Mas gustong ikulong ka nalang sa kwarto natin"ganting bulong sakin ni Thimothy.

Napabungisngis naman ako bigla sa bulong niya.

Kanina kasi nang makita niya ang ayos ko parang ayaw na daw niya talagang lumubas ako ng bahay namin. Naiinis pa siya kay Mariel dahil sa pinasuot sakin.

Kulang nalang kasi maglabas ng usok sa ilong si Thimothy kanina.

"Dapat ako nalang ang naghanap ng isusuot mo. I shouldn't have trust my own sister for your dress.  I should knew better, kainis"bulong nito.

Napangiti naman ako sa sintimyento niya sa kapatid. Ikaw ba naman kasi pagsuotin ng halos wala ng itago matutuwa ka ba naman na makita ako ng ganito.

Si Mariel naman kasi dapat lang daw na ipagmalaki ko ang katawan na meron ako. Dahil bihira lang daw ang may ganitong katawan.

"Dudukutin ko ang mga lalaking titingin sayo mamaya"banta pa ni Thimothy.

Hinarap ko siya at sinapo ang mukha niya.

"Naku naman, itong love ko napakaseloso. Dont worry Boss. Kahit magsawa sila sa kakatingin sa katawan ko wala akong pakialam basta sayo lang ako ha. Buong-buo sayo lang ako"pagbibigay ko naman ng assurance sa kanya.

"Tsk!"nakairap na sagot nito.

Pero walang babala na hinalikan niya ako sa labi na agad ko ding tinugon. Malalim at puno ng pagmamahal ang halik na pinasaluhan namin.

"Look at them mom, uunahin na naman ni Kuya ang honeymoon. Engagement party palang ito"narinig kong boses ni Mariel mula sa likod ko.

Nang lingunin ko siya nanlaki ang mata ko ng makitang nakabukas na pala ang pinto na kanina lang ay nakapinid. Nakatingin lahat samin ng bisita namin maging ang nga kamag-anak nila Thimothu.

"Nakakahiya"bigla akong sumiksik kay Thimothy.

"Bakit ka mahihiya? Magiging mag-asawa na naman tayo. You shouldn't be shy to kiss me infront of them"bulong sakin ni Thimothy bago niya ako hilahin papasok sa loob ng venue.

Madaming bisita ang nagpunta sa party. Karamihan mga Businessman na mga kaibigan ng mga magulang ni Thimoty. Mga kaibigan din ni Thimothy na hindi magpapahuli sa mga bigatin tao ngayong gabi.

Halos lahat ng nadadaanan namin binabati kami. Lalo pa ang dami ng bati samin ng iannounce na ng parents ni Thimothy ang engagement namin pati na din ang nalalapit na kasal namin.

....................

"Hi Thimothy"bati ng isang babae kay Thimothy.

Napataas naman ang kilay ko ng makilala ang babaeng bumabati kay Thimothy. Wala naman sakin kung sino man siya. Ang ikinatataas lang ng kilay ko dalawa naman kami ni Thimothy bakit si Thimothy lang ang binati.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon