28

11K 313 8
                                    

ANG BILIS NG panahon. Magtatatlong taon na ang baby Vince namin pero hindi pa namin siya napapabinyagan.

Pinapautang na kami ni Mariel. Sinasabi din ng mga kaibigan ni Thimothy na sasagutin na dawng mga ito ang binyag ng anak namin pero tumatanggi si Thimothy sa mga ito.

Halos isang taon din kasing nagbayad ng utang si Thimothy sa kapatid nito na ginamit noong nanganak ako. Kahit ayaw pabayaran ni Mariel pinilit pa din ni Thimothy na bayaran.

At dahil sa dalawa lang kami sa buhay ni Thimothy. Walang ibang mag-aalaga sa anak namin kaya hindi na ako pumasok sa trabaho.

Kayod kalabaw si Thimothy lalo pa ng natapos na ang project na ginagawa nila Thimothy. Ilang linggo din siyang walang trabaho pajob-job lang ito sa pamamasada.

Kahit na nasa probinsiya na kami may mga koneksiyon pa din dito ang mga magulang ni Thimothy.

May hinala si Thimothy na kaya di na siya tinawagan ng pinapasukan niyang firm ay dahil sa mga magulang niya. Na ilang beses ko ng sinabi na baka nagkataon lang.

"Love, pabinyagan na kaya natin si Vince"ani Thimothy habang nilalaro ang anak namin.

Gabi na pero gising na gising pa ang anak namin. Hapon na kasi naging ng natulog ito sa tanghali.

"Hindi pa yata sapat ung ipon natin. Boss, magtrabaho na kaya ako para kahit papaano makaipon na tayo ulit"sagot ko naman.

"May ten thousand na naman ung ipon natin pwede na siguro iyon. Simpleng binyag nalang ang gawin natin"sagot din ni Thimothy.

"Thimothy, hindi ka ba napapagod?"nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Love, napapagod ako. Pero kailangan kong magtrabaho para sating tatlo. Lalo pa ang lakas ng maggatas at kumain ngayon ni Vince. Diba anak?"nakangising baling nito sa anak.

"Opo papa"sagot nito habang naglalaro pa din ng laruan nitong sasakyan.

Bigay ni Mariel ang lalaruan na nilalaro ngayon ng mag-ama. Buti nalang talaga hindi katulad ng mga magulang ni Thimothy ang kapatid nito. Kaso lang nasa ibang bansa ngayon si Mariel dahil sa trabaho nito.

"Dapat lang malakas kakain ang anak ko. Para sisipagin lalo si papa na mamasada ng tricycle para may pangbili ng pagkanin ni Vince"masayang kinakausap ni Thimothy ang anak namin.

Nililihis na naman ni Thimothy ang usapan. Alam ko naman na ayaw ni Thimothy ang sinisimulan kong topic namin.

Pero kailangan din naman itong pag-usapan na mag-asawa.

"Vince anak, tulog na gabi na. Kailangan matulog ng maaga ang mga baby diba para mabilis din lalaki ang mga baby di lang puro pagkain"baling ko sa anak namin.

"Ako na magpapatulog kay Vince love. Alam mo na gagawin mo"bulong nalang nito ang huling mga salitang sinabi.

Bitbit ang anak namin pumasok na sa loob ang mag-ama ko. Alam ko na ng ang gustong mangyari ni Thimothy sa mga bulong niya.

Nagligpit na ako ng bahay namin. Sinara ko na din ang lahat ng pintuan at bintana namin. Naglinis na din ako ng katawan ko para sa sinasabi ni Thimothy.

"Love"hinihimas na ni Thimothy ang mga braso ko mula sa likod.

Nasa loob na din siya ng banyo at tulad ko wala na din siyang saplot sa katawan.

"Boss"paungol ko namang tugon.

Ang mga kamay niya na kanina lang ay nasa mga braso ko ngayon naman nasa mga dibdib ko na ang minamasahe.

"When is the last time we did this, love? Isang linggo na ba ang nakakaraan?"bulong nito habang hinahalikan ang balikat at likod ng tenga ko.

"Isang buwan na ata"sagot ko naman.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon