15

13.2K 305 8
                                    

NAKAKANGALAY na tingalain ang gate na kanina ko pa tinitingala. Linggo ngayon walang pasok pero nandito ako ngayon sa labas ng bahay kung saan sinabi ni sir Thimothy na puntahan ko sa oras na makapagdesisyon na ako.

Mahabang araw din ang pinalipas ko bago ako tuluyan na nagdesisyon.

Tatlong buwan ang pinalipas ko, o sabihin nating busy kasi masyado kasi kaming busy parehas.

Ang dami naman kasing tanggap na project nila sir kaya ayon super busy talaga siya. Pati din naman ako, libang na libang nga ako sa trabaho ngayon.

Ganito pala pakiramdam na malaya ka ng gawin lahat ng gusto mo. Iyong hindi mo na iisipin na may magagalit sayo kapag nag overtime ka sa trabaho. Kasi hawak ko na ngayon ang oras ko.

Hindi naman sa sinasabi kong mas mainam na single nalang ako forever. Ang sinasabi ko lang ngayon ko lang naranasan na maging dalaga.

"Ma'am ano pong kailangan nila?"tanong sakin ng guard.

Nawirduhan na siguro sakin kasi kanina pa ako nandito sa labas ng gate nila Sir Thimothy.

"Ah!, nandyan po ba si sir Thimothy?"alanganin kong tanong.

Ngayon ko lang napagtanto handa na ba talaga ako sa bagay na ito. Baka kasi ako na naman ang mahirapan balang araw. Baka ako na naman ang masasaktan kapag nagkataon.

Hindi pa malinaw ang sitwasyon na papasukin ko. Kaso lang nahihiya na din ako kay sir. Palagi ang bigay niya sakin kahit di niya sabihin alam ko at ramdam ko siya ang dahilan kung bakit magaan ang buhay ko ngayon.

May mga pagkakataon kasing may dadating nalang na pagkain sa lamesa ko. Agahan, tanghalian at hapunan kung aabutin kami ng gabi sa opisina.

Tapos sa bahay ni Grace palagi ang dating ng grocery namin na alam ko din na galing kay sir Thimothy. At ang sahod ko pansin kong lumaki ang sahod ko.

Kaya naisip ko gawin ko na kaya ang gusto niya baka sakali o kaya naman makabawi na ako sa kanya. Ang dami ko ng utang sa kanya.

"Naku wala po si sir Thimothy dito. Sa may Makati po siya nakatira sa may Condo po niya"magalang na sagot naman ng guard.

"Ha! Naku ang akala ko dito po siya nakatira kasi sabi niya dito ko siya puntahan"nanghihinayang na sagot ko.

Kasi naman kanina hindi biro pinagdaanan ko para lang makarating dito. Wala palang dumadaan na jeep malapit sa village nila sir. Kaya napilitan akong sumakay ng taxi.

Tapos sa taxi naman tinatanggihan nila ako. Akala ko noong una dahil sa malayo pero iyon naman pala ay dahil.sobrang higpit ng seguridad papasok.

Kinuha ang plate number, driver's license ng taxi na nasakyan ko. Nakalog pa siya ng oras kung kailan pumasok at kung ilang minuto lang ang itatagal niya sa loob.

Tapos ako na pasahero naman dapat iwanan ko ang ID ko kasi di ako residente at itatawag pa daw sa loob ang pangalan ko. Pero ng binigay ko anh ID ko agad naman kaminh pinapasok kahit wala ng kahit anong ek-ek pa.

"Ano po bang pangalan nila ma'am at itatawag ko nalang po?"tanong na naman nito.

"Ah sige po Vina Robles po. Pakisabi nalang po----" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng agaran na kumilos ang guard.

Weird talaga mga tao dito sa village na ito. Bulong ko sa isip ko.

Dali-daling binuksan ang gate ng guard. Halata sa kilos niya ang pagmamadali at parang takot na takot sa ginagawa nito.

"Miss Vina sorry po hindi ko po kayo nakilala agad"may pag mamadali pa nitong turan.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngayon lang naman ako napapunta dito. Sigurado ako dyan kasi talagang pinag-isipan kong mabuti ang lahat ng kilos ko.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon