25

11.2K 315 7
                                    

"BABY, bilisan mong lumaki"

Nakahiga na kami ni Thimothy ngayon, simula ng sinabi kong buntis na ako palagi siyang ganyan. Kapag bago matulog kinakausap na niya ang tyan ko. Pati pagkagising namin kakausapin na naman niya ang tyan ko.

For heaven's sake tatlong buwan palang ako tyan ko. Pipis pa nga hindi pa ako halatang buntis sa totoo lang.

"Thimothy, three months palang ung tyan ko"hindi ko na maiwasan na sitahin.

"I'm just excited love"nakangiti siya di man lang ininda ang pagtataray ko.

"Kahit na"pagtataray ko pa din.

Tumawa naman si Thimothy bago niya halikan ang tyan ko.

"Baby, nagseselos si mommy. Siya muna ang lalambingin ko ha"paalam pa ni Thimothy.

Napataas naman ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Si mommy naman"bulong ni Thimothy ng magkapantay na kami.

Inirapan ko nga siya sabay talikod.

"Love"lambing na naman niya.

"Don ka sa baby mo maglambing tignan ko lang kung makascore ka sa baby mo"inis kong sagot.

Alam ko unbelievable ang banat ko, pero bigla kasi akong nainis. Ganito yata kapag buntis, moody o baka naman ako lang.

"Fvck! Vina can you watch your word. What if babae anak natin? Awkward pakinggan"sita sakin ni Thimothy.

Nilingon ko siya ung mainit na ulo ko mas lalobg uminit sa sinabi niya

"Hoy! Ako ba pinapagalitan mo?"sigaw ko naman sa kanya.

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Thimothy ng hinarap ko.

"Dun ka matulog sa sala. Wag kang tatabi sakin"taboy ko sa kanya.

Napakurap-kurap naman siya sakin.

"Love"bigla siyang natauhan at naging malambing.

"Wag mo akong malove-love dyan. Labas!"sigaw ko na naman.

"Love naman, I didn't mean to shout at you, sorry na. Wag mo naman ako palabasin"lambing nito sakin.

"Ayaw mong lumabas?"umiling lang siya at niyakap ako.

"Bahala ka! Ako ang lalabas kung ayaw mo"inis naman akong tumayo.

Malalim naman na buntong hininga anh sinagot ni Thimothy sakin.

"Fine! Dito ka na. Ako na matutulog sa sala"parang pagud na sagot ni Thimothy.

Tinatamad na tumayo si Thimothy sa higaan namin at dinala ang isang unan.

Bigla naman akong nakonsensiya. Alam ko pagod siya sa maghapon na trabaho niya. Tapos namasada pa ito ng tricycle kanina para may pandagdag sa pangcheck up ko para sa linggo.

"Boss"nakanguso kong tawag sa kanya ng nasa pinto na siya.

"What?"walang gana na sagot niya ni hindi nga niya ako nilingon.

Yong kanina na galit at inis na nararamdaman ko biglang naging lungkot na hindi ko na napigilan. Umatungal nalang akong bigla ng iyak.

Humahangos naman na bumalik sa tabi ko si Thimothy.

"Shh! Stop crying Vina. Bakit umiiyak? Ito na nga lalabas na ako"pag-aalo naman sakin ni Thimothy.

"Galit ka"sigaw ko habang umiiyak ako.

"No I'm not"nag-aalalang sagot namab niya.

"Hindi galit ka sakin"pakikipagtalo ko naman.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Sa pagyakap niya sakin sumayad ang dibdib ko sa dibdib din niya. Bigla namang nag-init ang buo kong katawan.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon