24

11.1K 344 26
                                    

"KANINONG bahay ito?"tanong ni Vina.

Kanina pa siya paikot-ikot sa sala na para bang may kung anong hinahanap.

"Kay Yaya Meding. Yaya ni Alex"sagot ko naman.

Sinunod ko ang payo ng mga kaibigan ko. Nagpunta kami sa probinsya ng yaya ni Alex. Matagal ng patay si yaya Meding. Tumandang dalaga na aa kakaalaga kay Alex kaya walang nagmana ng bahay ng matanda. Ibinigay nalang kay Alex ang bahay ng mahina na si Yaya Meding.

"Dito na tayo titira?"parang batang tanong ni Vina.

Pinakatitigan ko naman siya. Alam ko sanay na siya sa buhay sa Manila gaya ko. Pero hindi mababakas sa mukha ni Vina na may pagtutol siya sa pagpunta namin dito.

"Yeah"alanganin kong tugon.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumili at dinamba niya ako ng yakap.

"Sure ka? Dito na talaga tayo?"excited pa niyang tanong.

Natawa na ako sa inaasal niya, para kasing batang nakakawala na ikinulong ng mga magulang sa loob ng bahay si Vina.

"Oo nga ang kulit"natatawa kong sagot.

Tumawa din siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi ba alangan sayo na dito na tayo titira?"alanganin na tanong ko after ng ilang minuto.

Katahimikan ang sunod na namayani sa pagitan namin ni Vina.

"Love?"tawag ko dito.

"Itp ang guato kong buhay Thimothy. Nahihiya lang akong magsabi sayo. Mayaman ka kasi tapos boss kita. Kahit anong baliktad ko boss kita mayaman ka. Parehas lang iyon na parang sinasabi na hindi ka pwede sa ganitong buhay"bulong nito.

Inilayo ko naman siya ng kaunti sa akin para makita ko ang mukha niya.

"I can adjust in what ever you want Vina. Sana sinabi mo noon sakin, kayankong mag adjust para sayo."sagot ko habang nakatitig ako sa mata niya.

Ngumiti naman siya sakin at sinapo ang mukha ko.

"Bakit ang sweet-sweet mo sakin? Palagi.mo nalang akong pinapakilig"nakangiting sagot nito.

Tumawa naman ako bago konsiya halikan sa mga labi niya.

"So, mula sa araw na ito dito na tayo titira"pangungulit na naman ni Vina.

Napailing nalang ako ng tumayo na siya mula sa pagkakakandong ko at tumakbo na papunta sa kusina.

Maliit lang naman bahay, para siyang studio type na bahay pero may mga divider naman ang kwarto at kusina. Halatang pang maliit na pamilya lang dahil iisa lang din ang kwarto.

Malayo sa bahay namin ni Vina. Malaki at grandyoso ang bahay na binili ko para samin ni Vina.

Pero okay na din naman ang bahay na meronnkami ngayon ni Vina. Makita ko lang na masaya si Vina masaya na din ako.

"Boss, madami tayong kailangan na bilin na gamit para dito"nakasimangot na si Vina pagbalik niya.

Napangiti nalang ako sa kanya at tumayo na.

"Tara bilin natin ang mga kailangan natin para dito sa bahay."ayanko sa kanya.

"May pera pa ba tayo?"nag-aalala namang tanong ni Vina.

Dinukot ko naman ang wallet ko.

"Madami akong kaibigan na pwedeng tumulong"pag-aanyaya ko naman sa kanya.

..................

MABILIS lumipas ang araw parasamin ni Vina. Noong una hindi ako sanay, malaking adjustment din ang ginawa ko para samin ni Vina.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon