33

10K 309 24
                                    

NAKATANGGAP ako ng isang tawag mula kay Mariel kaninang umaga.

Gising na si Thimothy.

Kaya kahit alam kong hindi ako makakapasok doon pinili ko pa ding pumunta sa ospital kahit mahina pa din ako.

Dalawang linggo palang simula ng manganak ako. Hindi ko pa.nababawi ang lakas ko pero ng malaman kong gising na ang asawa ko. Para bang narecharge akong bigla.

"Helena, gising na daw si Thimothy"masabang bungad ko sa nurse na naging kaibigan ko na.

"Oo Vina. Kagabi siya nagising, sa ngayon under observation pa siya. Pero nagpupumilit na siyang lumabas ng ospital"masayang kwento naman nito.

Nakaramdam naman ako ng sobrang excitement sa kwento ni Helena. Siguro miss na miss na din kami ni Thimothy. Tapos kami ang una niyang hinanap ng paggising niya.

"Nandyan ba ang mga magulang ni Thimothy?"alanganin kong tanong.

Dapat biyanan ko ang tawag ko sa kanila. Pero hindi naman ako kinikilala ng mga biyanan ko bilang manugang.

"Oo kagabi pa, nang itawag na nagising na si sir Thimothy bumalik sila dito agad-agad at hindi na umalis sa tabi ni sir"

Bagsak ang balikat na napatingala nalang ako. Tinignan ko ang bintana kung saan ang kwarto ni Thimothy.

Gustong-gusto ko na siyang makita. Huling beses na nakita ko siya noong nadalaw ko siya na nahuli pa ng mga magulang niya. Halos tatlong buwan na din ang nakakaraan.

"Si Mariel don ba nandyan?"alanganin na tanong ko.

Si Mariel lang ang nakikita kong magiging kakampi ko para makita ko si Thimothy ngayon.

"Wala siya, kaninang maga may mga parang men in black na dumating tapos kinuha nila si Ma'am Mariel"anito.

Lalo naman akong nawalan ng pag-asa. Kahit pa gising na si Thimothy ngayon alam kong mahina pa siya kaya mahihirapan si Thimothy na makipagkita sakin.

Hindi din alam ni Thimothy kung nasaan ako at ang mga anak namin. Kaya kailangan kong magpumilit na pumasok sa loob ng ospital para makita si Thimothy.

"Papasok ako sa loob"buong lakas akong tumayo sa kinauupuan ko.

Tiningala naman ako ni Helena.

"Mahihirapan ka. Daig pa nila ang first family sa sobrang dami ng body guard na nakakalat sa loob. Lahat sila instructed na wag na wag kang papapasukin sa loob o makalapit kay Sir Thimothy"anito.

Naiinis nannapaupo naman ako pabalik sa kinauupuan ko kanina.

"Kainis naman talaga. Bakit ba ang malas-malas ko, palagi nalang akong napupunta sa mga pamilyang hindi ako matanggap bilang ako"naiiyak ko ng bulalas.

Hinaplos naman ni Helena ang likod ko para pakalmahin ako.

"Hindi kasi nila nakikita ang worth mo. Hindi kita kilalang lubos pero alam ko mabait ka Vina. Tiyaga lang baka may rason sila kung bakit sila ganyan makitungo sayo"anito habang pinapakalma ako.

Huminga naman ako ng malalim.

Alam ko kung ano ang rason na iyon, galit sila sakin kasi ako daw ang dahilan ng paghihirap ng anak nila. Pero nagmamahalan lang naman kami ni Thimothy.

"Salamat ha, gustong-gusto ko lang naman na makita ang asawa ko"

Madami pa kaming naging kwentuhan namin ni Helena. Pero agad din niya akong iniwanan ng natapos na ang break time nito. Mag-isa na naman akong naghintay sa labas. Baka sakaling umalis na ang mga magulang ni Thimothy doon ako papasok sa loob.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon