10

12.4K 261 28
                                    

"MGA HAYOP kayo"

Agad akong lumapit sa kanila at hinila ko ang buhok ng mahadera naming kapitbahay na si Eva.

Matagal na naming kapitbahay si Eva. Close ko pa nga ito dahil mukha namang mabait. Kapag dumadaan ako sa bahay ng mga ito panay ang bati nito sakin.

Minsan pa nga tinutulungan pa ako nito kapag may problema kami ni Tommy. Iyon naman pala ahas ang malanding ito.

Nahuli ko lang naman si Tommy at Eva na nagtatalik sa mismo pa naming kwarto.

"Ano ba!"sigaw naman ni Eva.

Nakasabunot pa din ako sa buhok ng walang hiyang babae na ito. Wala akong pakialam kahit oa hubu't hubad siya. Ang mahalaga mailayo ko siya kay Tommy ng mga sandaling ito.

"Bitiwan mo akong puta ka"sigaw ni Eva.

Hindi ko naman ginawa, panay pa din ang halibas ko sa kanya. Dalawang kamay ko na ang nananabunot sa kanya ngayon.

"Tangina kang babae ka malandi ka"sigaw ko din.

Nakabawi naman siya agad at nakipagsabunutan na sakin. Panay anh tili naming dalawa habang wala ni isa samin ang gustong magparaya.

"Akin lang si Tommy!"sigaw pa ni Eva na mas nagoasiklab ng galit ko.

Sinabayan ko na din ng sampal ito habang sinasabunutan ko siya. Gigil na gigil ko siyang pinagsasampal.

Pero agad din akong napahiwalay kay Eva ng itulak ako ni Tommy na nakasakay na ngayon sa wheel chair niya.

Galit na galit itong nakatitig sakin.

"Magbihis ka na Eva" utos pa nito sa babae.

Dali-dali namanh kumiha ng damit ang babaeng haliparot sa damitan ko. Na mas ikinagalit ko dahil isinuot niya ang mga damit ko sa harapan ko pa talaga.

"Tommy anong ibig sabihin nito?"galit kong baling kay Tommy.

Umiiyak na lumapit si Eva kay Tommy. Mula sa likuran ni Tommy yumakap si Eva dito at mas lalong umiyak ng malakas.

"Bakit ka nanditi?"malamig na boses na tanong ni Tommy.

Nagulat naman ako sa naging tanong niya maging sa galit na nakikita ko sa mata niya.

"Ano bang klaseng tanong iyan Tommu. Syempre binalikan kita kaya nandito ako"naiiyak ko ng sagot.

Tumawa naman ito ng pagak bago nito binalingan ang bruhang nakatabi dito ngayon.

"Okay ka lang ba mahal? Wala bang masakit sayo?"puno ng pag-aalalang tanong ni Tommy dito.

Nasaktan ako, kasi kahit kailan simula ng magsama kami di ko narinig na naging ganyang ang cencern nito sakin.

"Okay lang mahal"nakanguso na sagot naman ni Eva.

"Umalis ka na dito"baling muli sakin ni Tommy.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko din magawang kumilos sa kinatatayuan ko habang nakatitug sa kanilang dalawa.

"Anong nangyayari dito?"sigaw naman ng nanay ni Tommu mula sa likuran ko.

Hindi ko siya pinansin basta nakatitig lang ako kay Tonmy. Nakikita ko kasi na alalang-alala siya kay Eva ngayon.

"Aba't bumalik ka pa talagang babae ka"sita sakin ng nanay ni Tommy.

"HOY! Ikaw ano pang ginagawa mo dito"sigaw ng ate ni Tommy.

Napatingin naman ako sa mag-ina, nakapsok na ang dalawa sa loob ng kwarto. Ang nanay nila Tommy dimeretso kila Tommy partikular na kay Eva.

Puno ng pag-aalalang nilapitan nito ang babae.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon