Chapter One

770 48 8
                                    

Calvin Trazo

ONCE upon a time, there was a thirteen-year-old boy who spend all of his summer vacations in an island called Palawan.

Ako 'yon. Hawak ko ang sarrangola, tumatakbo sa buhangin, ilang metro ang layo sa bahay namin, at wala akong saplot sa paa dahil malambot at pino ang buhangin. Tirik ang araw, mahapdi sa balat. Asul ang kahabaan ng tubig, at lumalagaslas ang alon sa buhangin. Walang kasing sariwa ang amoy na dala ng mainit na hangin.

Dito sa Palawan sinilang at ikinasal ang mga magulang ko. Dito din nilibing ang Mama ko matapos maging flat ang linya sa heart monitor screen, lumabas ako sa sinapupunan niya, at umiyak sa unang pagkakataon.

Umihip nang malakas ang hangin at kailangan ko tumakbo para itaas pa lalo ang saranggola. Hanggang sa...

SNAP!

...naputol ang string. Pinanood ko ang saranggola na humantong sa sanga ng buko.

Plano kong akyatin ang saranggola. Kahit sa Maynila ako pinanganak at lumaki, marunong ako umakyat ng puno. Pinapanood ko ang mga manggagarit ng tuba. Simple lang naman. May ukit ang tree trunks, kailangan mo lang umapak at humawak. Listo ka dapat. Bawal ang tanga.

Aakyat sana ako kaso may humawak sa braso ko. Lumingon ako.

Ngumiti sa akin si Girlfriend #3. Konserbatibo ang tatay kong sundalo. Matapos pakasalan si Mama, ayaw na niyang humarap ulit sa dambana. Kasi kung wala daw makakapantay sa nanay ko, di daw dapat iharap sa altar. Hanggang sa mamatay siya noong 41 years old ako, umabot siya ng hanggang fifteen girlfriends. Walang asawa. Totoo ang true love.

Sa lahat ng karelasyon ni Daddy, si Tita Harriet (Girlfriend #3) ang pinaka paborito ko. By far, she was also the longest relationship my father had after my mother. Bakit ko siya paborito? Teka. Ipapakita ko sa 'yo.

Dahan-dahang lumutang si Tita Harriet, laglag ang pinong butil ng buhangin sa kaniyang paa. Hinangin ang kaniyang bestida at buhok habang dahan-dahan siyang lumulutang. Tumigil siya sa tuktok ng palm tree, at kinuha ang saranggola ko. Saka siya bumaba, at lumapat ang mga paa niya sa buhangin.

Kung loko-loko si Tita at sasabihin niya sa akin na totoo si Santa Claus at Rudolf, sa edad kong thirteen, maniniwala ako. Hanga ako sa mga kaya niyang gawin. Nakilala siya ni Daddy sa labas ng Quiapo Church. May puwesto doon si Tita Harriet bilang manghuhula.

Sabi niya, mali ang term na hula kasi hindi naman gawa-gawa ang tadhana. Diyos daw ang lumikha ng ating mga palad, kaya Siya din mismo ang gumuhit nito. Para sa mga katulad ni Tita, binabakas nila ang linya sa palad ng mga tao, pipikit sila, at makikita ang vision—ang hinaharap.

Madali lang daw. Para ka lang daw nanonood ng pelikula. Kailangan tignan ang setting, ang mga bida, ang suot nila, dialogue, ekspresyon sa mukha. Gagawan nila ng movie summary ang napanood at siyang sasabihin sa kliyente.

Binaba niya ang saranggola sa buhangin at lumuhod sa harap ko. Kinuha niya ang dalawa kong palad at sinuri ang bawat linya. Pumikit siya.

"Hmmm..." ganito palagi ang simula ng kaniyang palm reading, "Hmmm... Hmmm..."

Saka siya dumilat, tinitigan ako sa mata, at hawak pa rin ang dalawa kong palad.

Naiihi ako sa antisipasyon. Kagat-labi akong nag-antay sa sasabihin niya.

Ngumiti siya, alam na alam ang tumatakbo sa isip ko. "Sa edad na beinte anyos, makikita mo si Megara sa loob ng Wilcon Home Depot. Pumunta ka sa paint section kasi bumibili siya ng pintura para sa bahay niya."

Jinxed Series: Lost LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon