Chapter Thirty

328 27 4
                                    

Megara Cruz

TALAMAK ANG MGA sasakyan na nakaparada sa Emerald Street ng Emapalico Homes. Pinarada ng mga bisita ang kanilang kotse sa kalsada. Papalubog na ang araw nang makarating kami sa destinasyon.

Lumaki si Calvin dito sa Las Piñas City. Tinigil ni Calvin ang yellow Hummer sa tapat ng isang malaking bahay na hanggang tatlong palapag. Cream ang pintura nang mga pader sa labas, gumagapang ang vines ng purple morning glory sa gilid ng mga pader. Sari-sari ang specie ng mga halaman sa front yard, tabi ng mailbox.

Ang buong first floor nila ay garahe, paradahan ng limang kotse ni Major Trazo—ang tatay ni Calvin. May mahabang hagdan paakyat.

Matapos bumusina ng aking nobyo, lumabas ang isang middle aged woman, suot ang puting uniporme ng mga katulong at binuksan ang gate para sa amin. Pinarada ni Calvin ang Hummer sa natitirang space. All in all, anim na kotse ang kasya sa malaki nilang garahe.

Kinabahan ako lalo nang patayin ni Calvin ang makina.

"We're here," sambit niya.

"Wait. Paano kung hindi magustuhan ni Major Trazo ang niluto kong paella? Baka masira ko ang birthday niya."

He gave me a thoughtful kiss on my left cheek, and squeezed my hand. "Kilala ka ni Daddy. Kinwento ka ni Tita Harriet."

Kinwento sa akin ni Kuya Earl, nagmana si Calvin sa kaniyang tatay na sundalo. Isang strict disciplinarian si Major Trazo sa kaniyang anak. Conservative daw siya at close-minded sa modernong panahon. Kahit dito siya sa lupa nakatira, katulad siya ng mga magulang ko na walang social media accounts.

Bumaba na kami ni Calvin at pumanhik sa hagdan. Ladies first daw. Hawak ang maliit na kaldero ng paella, umakyat ako sa hagdan. Ang tagal ko din naghanap ng outfit sa wardrobe bago ako nakontento sa plain yellow dress na hanggang tuhod, long sleeves, at sa wedge heels na beige. Sinamahan ko ito ng pearl earings at necklace, courtesy of Calvin's Lola.

Nag-iisip ako ng first impression ko kay Major Trazo nang may maramdaman akong pumisil sa butt cheek ko.

"Ah!" anas ko sa gulat, "Calvin! Ang likot ng kamay mo. Pag ako ginulat mo ulit, baka tumapon sa 'yo ang paella."

"Your butt tells me you're tense. Relax! Hindi ka kakagatin ni Daddy."

"My butt does not speak. What are you talking about? Hindi ako kinakabahan."

"Yes, you are."

"No, I'm not."

Nakarating kami sa tuktok ng hagdan at binuksan ni Calvin ang glass doors.

Mataas ang ceiling. The floors were blue marble tiles with intricate geometrical lines. Pumasok kami sa foyer. Nakakasilaw ang golden lights galing sa crystal chandelier. Sariwa ang mga bulaklak sa flower vases. May wooden panel ang mga kisame. Pintado ng asul ang mga pader, nasasabitan ng paintings galing Angono, Rizal. Spotless. Walang alikabok.

Nasa harap ng foyer ang grandstaircase paakyat sa third floor.

Pagpasok pa lang, amoy na ang bamboo scent ng air revitalizer. Talamak ang mga bisita, semi-casual ang attire. Tumatakbo ang mga bata sa paligid.

"Come on," yaya ni Calvin, "dalhin natin sa kitchen ang luto mo. I'm pretty sure, girlfriend #8 is terrorizing the cook."

Hinawakan ako ni Calvin sa kamay at pumunta kami sa kaliwang wing. Malayo pa lang, naamoy ko na ang roasted pork sa oven.

"Isunod mo na ang shanghai rolls, Yuko. Nariyan na si Calvin at Megara," sabi ng matangkad na babae sa kusina.

Pumasok kaming dalawa ni Calvin.

Jinxed Series: Lost LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon