Chapter Six

317 31 3
                                    

Calvin Trazo

TUMULO ANG PAWIS sa noo ko. Nakahiga, sinalo ng aking likod ang bigat matapos kong i-angat sa ere ang barbell na may plates na tig 35 kilo grams sa kabilaan. Tumigas ang abdominal muscles para suportahan ang aking mga braso.

Tinignan ko sa mata si Jonathan. Hinawakan niya ang barbell para suportahan ako habang nagkekwentuhan kami.

Madalas kaming mag-work out sa exclusive fitness gym dito sa Bonifacio Global City. Maayos ang management dito. Well maintained and equipment at kompleto. Makakaasa kang malinis at regular na may disinfection na nagaganap.

Karaniwang pumupunta dito ay kilalang personalidad sa bansa. Malayo sa mga screaming fans. Tahimik at relaxing.

Sa di-kalayuan, tumutunog ang soft tunes ng mga yoga enthusiasts. Pulos mga babae at mayroon din namang mga lalaki. Advisable sa athletes ang yoga para labanan ang mental pressures kapag nasa arena. Meditation.

"Ano ba talagang nangyari at bakit mainit ang ulo ni Robina Sanchez? Ang sabi niya, pinalayas kayo ni Megara kasi ayaw niyang tanggapin ang mga furnitures at hayaan si Robin—este Robina—na ayusin ang interior design ng bahay," simula ni Jonathan, "Pare, alam mo namang best friend ni Robina ang asawa ko. Kapag asar ang baklang 'yon, binubuhos sa asawa ko na ibubuhos sa akin. Isasakto pa ni Shania sa tuwing pillow talk namin! Damn, dude. You know what it does to my dick every freakin' time I hear Robina. Naalala ko ang makapal niyang make-up at nawawalan na ako ng gana."

Binaba ko ang barbell at nagbilang ng lima. Saka angat ulit.

"Maybe Shania needs a new best friend," sabi ko sabay hinga nang malalim, "Someone hot so you will only picture a hot girl during your pillow talk."

"I wish! Kung di dahil sa asawa ko, hindi siya sisikat na interior designer. So what kind of girl is this Megara? Di ba childhood friend mo siya sa Palawan?"

Saglit akong natahimik. Sumagot ako, "Sort of." Kasi paano ko ba ipapaliwanag ang sitwasyon namin ng dalaga sa best friend ko?

Kilala ni Jonathan si Megara kasi 'pag nasa bar at nalasing ako, pangalan niya ang lumalabas sa bibig ko. Kapag nagkakaayaan ang team sa Family KTV, kumanta ako habang lasing, sa dalaga ko inihahandog ang sad love songs. When I was sober again, they would ask me, "Dude, sino si Megara?" I would look away with pain in my eyes, and never answer.

She was a woman who broke my heart whom I had only met weeks ago. Our story was stranger than fiction. Mahirap ipaliwanag kung sino si Megara nang hindi nila iniisip na isa akong baliw.

So if someone asked, she was my childhood friend who just suddenly showed up to haunt my life.

"There was something wrong with her, man," kwento ko, "She was not like how I imagined. Ang taas ng pride niya. Siya na nga ang tinutulungan ko, galit pa siya. Come on! Sinong tao ang ayaw ipagalaw ang bahay nila kay Robina Sanchez? I had to ask help from your wife to get a schedule."

Tinanggihan ni Megara ang lahat ng furnitures ko. Pero minamataan niya ang mga lampara at chandeliers. Iyon lang ang kinuha niya at binayaran pa niya mismo. Siyempre, ayokong tanggapin. Kaso sumigaw na naman siya. Tinanggap ni Robina ang bayad ni Megara para lang manahimik na siya.

"Well, what are you expecting, my friend?" tanong ni Jonathan, "Is she pretty?"

Napangiti ako kahit bigat na bigat na ako sa barbell. "That...I'm not disappointed," bumalik ang simangot ko, "Pero natatago ang ganda niya sa kasungitan niya! Para siyang may period. I always pictured her as Maria Clara. And she does look like Maria Clara. But when she opened her mouth, she reminded of Gabriella Silang, and sometimes...Tandang Sora."

Tumawa si Jonathan. "So are you disappointed?"

"What?" tanong ko. Binaba ko ang barbell, bumiling ng lima, at saka inangat ito muli.

Tinulungan ako ni Jonathan na ilapat ang barbell sa laparan.

Hinabol ko ang hininga sabay upo sa bench. Kinuha ko ang bimpo at inalis ang pawis sa katawan.

"What did you say again?" tanong ko.

"Dismayado ka ba na hindi siya katulad ng inaasahan mo? Because it can be that you're disappointed but it won't change what you feel about her. Dismayado ka ba?"

Tumulo ang pawis ko sa black mat ng gym. Pinanood ko ang puddle ng sweat. Kumurap-kurap ako at nag-isip.

Disapointed nga ba ako? Tipong ayoko na siyang makita ulit dahil malayo siya sa expectation ko? Di ko kailangan mag-isip nang malalim.

"I frown upon everything she does, and everything she say but she draws me in," tulalang sagot ko, "It was like the law of gravity, and she's pulling me closer. Yes, I am disappointed but not discouraged."

Tumingala ako at nahuli ko si Jonathan na minamataan ang mga yoga instructor na nakaharap sa amin. Katinginan ng best friend ko ang babae, pangiti-ngiti pa silang dalawa.

"There you have it!" sabi ni Jonathan, lumingon ulit sa akin, "But you're my best friend! Don't call Megara the gravity. Ikaw dapat 'yon dahil ikaw ang lalaki! Hayaan mo silang dumikit at maghabol," sulyap sa yoga instructor, "Women are crazy for men who acts like bad boys. They crave the thrill and danger!"

"What now?"

"Based from your stories, Megara sounded like one of those girls who thinks it's cool not to like popular men. Isa siya sa mga babae na hindi daw tumitingin sa panlabas na anyo. She thought it will make her unique not to like athletes like us. But deep down, no woman can resist a man with a strong built and personality. Lesbians lang ang tatanggi sa atin."

"Anong point mo?" tumabingi ang ulo ko sa narinig ko.

"If you want Megara to like you, act like you don't care. Tiyak na masasaktan ang ego niya, at mas lalo ka niyang magugustuhan. Dominate the conversation. Make her feel like she needed you, and you don't need her."

"You sounded like an asshole," banat ko, "Why would I even listen to you?"

"Trust me, dude. It works for Shania. Everynight, she pops my popsicle stick with a perfect blowie. I'm a happy man."

"I don't know, dude. Parang hindi uubra 'yan kay Megara. Nararamdaman ko. She's one of a kind."

"Hey, I'm not the one who's single," nagkibit balikat siya, "I'm married and you're not. Your choice."

Kinamot ko ang stubbles sa aking pisngi at saka nag-isip. Hmmm... 

Jinxed Series: Lost LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon