Megara Cruz
DOMINATED NG WEST Paint fans ang buong Smart Araneta Coliseum. Bilang pangalawang team sa ranking ng playoffs, gusto silang makita ng mga Pilipino sa finals kalaro ang ang Flexy Glue.
Over my Calvin's dead body.
Tonight was Game Three of PBA Semi-Finals Playoffs, fourth quarter with 10 minutes game time remaining. The scoreboard said, 73-101, Kelogy Boozeters lead.
Sumigaw ang mga babaeng katabi ko matapos agawin ni Yale ang bola. Mali ng pasa si Max sa kakampi niya. Tumakbo ang lahat papunta sa court ng Kelogy Boozeters. Bantay sarado si Jonathan. Binigay ni Yale ang bola kay Calvin.
Kuminang ang pawis ni Calvin sa sikat ng spotlights sa court. Pumaspas ang kaniyang buhok sa tulin ng kaniyang takbo habang dinidribble ang bola.
Humarang ang apat na players ng West Paint sa kaniya.
Calvin growled, bumped the players blocking his jump, raised the ball in his hand, and dunked the ball down the net. This time, he landed perfectly on his feet, and my heart was safe.
Sumigaw si Calvin at naningkit ang kaniyang mga mata, lumabas ang mga ugat sa leeg.
Tumili na naman po ang mga babaeng katabi ko. Sakit sa tainga.
Tumakbo si Calvin sa front row seat kung nasaan ako. Kumindat siya sa gawi namin, ngumiti, saka inangat ang kamay, pinagdikit ang thumb at hintuturo—pinapakita ang Korean heart finger.
Ha ha ha... Ang baduy niya.
"AAAHHH!!!" sigaw ng mga babae.
Tumakbo na siya sa kabilang court kung nasaan ang bola.
"Kinindatan ako ni Calvin!" sigaw ng katabi kong fan girl, "I love you too!"
"Che! Ako kaya! Nakita niya ang karatula ko," sabi ng isa, "Nagandahan siya sa design kaya shoot ng shoot."
"Pumutok si Calvin kanina pa sa first quarter," sabi ng fangirl, "Nataasan pa niya ang score ni Jonathan."
"Kasi nga, maganda ang karatula na ginawa ko," sabi ng isa, "nabuhayan tuloy siya. Unleash the beast, Papa Calvin!"
Pumalakpak lang ako at pinanood ang aking liwanag na sakupin ang laro ng basketball.
"NANDOON SILA SA locker room," sabi ng janitor, sinuri ang buong mukha ko, "Dumiretso ka tapos kaliwa. Unang pinto sa pasilyo."
"Salamat po, Kuya." Ngumiti ako. Sinundan ko ang direksiyon na sinabi niya papunta sa locker room nina Calvin.
Hindi rin madaling hanapin ang gymnasium ng Kelogy Boozeters. Di ko kasi kabisado ang pasikot-sikot dito sa Makati. Buti na lang, may GPS ang bago kong sasakyan na Subaru Impreza. It's not color white. It's called Ice Silver Metallic.
Calvin bought two designated parking lot on our condo. Para sa Ford Ranger at kaniyang Hummer. Ako naman, isang designated parking lot lang. One hour ago, hindi ko nakita ang aking second hand Toyota Altis.
Dumaan ako sa hallway at nakita ko ang sarili sa salamin na nakasabit sa interval ng mga pader.
Tumunog ang aking black combat boots sa puting swelo, malakas ang ulan sa labas. Fitted ang black stocking na makapal. Maiksi ang green floral chiffon dress, lumilikha ito ng wave effect sa hangin. Suot ko ang denim jacket. Itong outfit ko lang ang nakatakas sa mga damit na pinatago ni Calvin.
BINABASA MO ANG
Jinxed Series: Lost Lines
FantasyCalvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko makikilala ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa daw. Parang si...