Chapter Twenty-Four

253 26 0
                                    

Megara Cruz

MAINGAY SA LOOB ng penthouse. Paano ba naman hindi? Full blast ang speakers. Dagdag sa ingay ang chit-chat ng mga tao. Ang sikip ng penthouse sa dami ng tao! There were red plactic cups everywhere. And the smell of smoke and alcohol was overwhelming.

Kung gaano sila kahayop sa basketball court, mas hayop sila sa party.

Invited ang mga sports journalist, towel boys, water boys, kamag-anak, girlfriends, at buong team ng Kelogy Boozeters. Tapos na ang Game Two PBA Finals three hours ago. Everyone was excited to pop champagne because one more win, Calvin and his team would win the PBA Finals. Ang defending champion na Flexy Glue, nilampaso kanina na parang mantsa sa sahig.

Bumaba ako sa grocery market para bumili ng yelo. Siyempre. Ayaw pumayag ni Calvin. Pero pinilit ko talaga. Gusto kong bigyan ng space si Calvin kasama ang mga kabrod niya. Tutal, di ko rin naman gets kalahati ng conversation nila kasi hindi ako dito sa lupa sinilang at lumaki.

Bumukas ang elevator doors at nalula ako sa dami ng tao sa labas ng penthouse ni Calvin. Dito pa lang sa labas, kawawa ang babasagin kong ear drums. Kanina sa grocery store, sumisigaw na pala ako sa kahera. Kakabingi!

Kaya pala umalis ang abogadong kapit-bahay ni Calvin. Dahil maselan ang trabaho niya sa batas, mahirap nga naman kung may kapit-bahay kang party animal.

Sumingit-singit ako sa pulutong ng mga bisita at natigilan matapos makita ang isang bisita sa front door. Babae siya. Matangkad at mahaba ang buhok. Payatot siya kung hindi lang sa tiyan niyang bilog na bilog at malaki. Parang balloon ang tiyan niya na kapag tinusok mo ng karayom lalabas ang hangin. But in her case, baby ang lalabas sa loob ng kaniyang tiyan.

Kilala ko siya sa dami ng advertisement poster at commercial niya sa iba't-ibang clothing lines. Nandito ang asawa ni Jonathan Abueva.

"Shania Fanning?" pagtawag ko, bitbit ang mga yelo, "Hello!"

Tumingin sa akin ang magandang buntis. Inggit ako! Kitang-kita ang kaniyang pregnancy glow. Pero habang lumalapit ako, kita ko ang namumugto niyang mga mata. Pati na din ang putok sa kaniyang labi.

Isang tingin pa lang, alam ko na.

"Hi," pilit na pagbati niya, "I'm looking for my husband."

"Oh, yeah! Jonathan is inside. Probably. Did he invite you tonight? I will strongly suggest that you rather stay home. Malapit na ang due date mo. Hindi ka ba nahirapan? Oh, right! What can I get you?"

"Uhm..." mukha siyang nawawala, "Gusto ko lang sana makita si Jonathan."

"Sure! Pasok ka. Halika. Hanapin natin siya."

Pumasok kami sa loob. Nilagay ko ang yelo sa cooler.

"You're Megara, right?" tanong niya sa akin, "Megara Cruz?"

Famous na ang inyong humble narrator. Sa dami ng mga nagkalat na balita, picture, at videos sa internet, alam ng mga tao ang pangalan ko kahit di ko naman sila kilala. Cautious nang dumalaw sa akin si Kuya Earl magmula ngayon. Pero ayos lang. Kasi hindi ko pa siya napapatawad sa pakiki-alam na ginawa niya sa game namin ni Calvin.

Tumanggi si Calvin sa alok ni Kuya Earl na tulungan siyang talunin ako sa game match. Naniniwala ako sa kwento ni Calvin kasi alam ko ang mannerism niya sa tuwing nagsisinungaling. Isa pa, obsess ang kapatid ko na makita kaming magkasama.

"Does it feel weird that people know your name now?" tanong ni Shania. Ang hinhin ng boses niya, tipong kailangan kong ilapit ang tainga para lang marinig siya.

Jinxed Series: Lost LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon