Chapter Eighteen

264 26 0
                                    

Megara Cruz

"AYOKO. UMALIS NA tayo, Calvin. Wag na pala," hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya, halos mapangiwi siya sa grip ko, napalunok ako matapos marinig ang iyak ng batang babae dito sa loob ng clinic.

Pumunta kami ni Calvin sa ospital para ipatingin ulit siya sa doctor. Sinabay na namin ang pagpapabutas ng tainga sa professional doctor na mismo. Pila-pila nga lang. May isang bata pa bago ako.

Dito pala sa lupa, baby pa lang ang mga babae, binubutasan na sa tainga. And I was like...how cruel!

"Look at that," bulong ko, tinuturo ang ear piercing gun, "Baril. Baril. Gumagamit siya ng baril para butasan ang tainga ng mga bata."

Suot ang medical gloves, kinasa ng doktora ang maliit na hikaw sa baril. Pinunasan niya ng alcohol ang mga tainga ng bata, saka tinapat ang baril.

Suminghap ang bata matapos makita ang ear piercing gun.

BANG!

Uwaaa, iyak ng bata.

Tumayo na ako at lalabas na sa pinto pero hinatak ako ni Calvin at pinaupo.

"Seryoso ka ba?" aniya, "Kaya mong pumatay ng manyakis gamit ang takong ng sapatos mo. Ear piercing gun lang, tumatakbo ka na palayo?" sabi ng lalaking walang butas sa tainga kasi hindi naman siya expected ng society na magsuot ng hikaw. Ang lakas pa ng loob maglaro ng Candy Crush habang ako, halos mahimatay na sa takot.

Bwisit na bwisit ako.

E, parang kilala ko pa 'yung dalawang bata dito sa clinic. Mga alaga ko sila sa Olympus Day Care Center. Titig na titig sila sa akin, namumukhaan ako. Tinuturuan ko silang kumanta ng Ten Little Indians. Kasama nila ang kanilang mga nanay.

Nagtakip ako ng mukha at umiwas ng tingin.

"Next!" sabi ng nurse.

Inakay ng nanay ang kaniyang anak palayo sa ear piercing gun. Namumula ang tainga ng bata. Iyak siya nang iyak sa sakit. Pinapatahan siya ng nanay niya.

Uupo pa lang sa treatment chair, umiyak ang bata na mukhang three years old. Naka pigtails siya. Ang cute ng malaking mga mata.

Hindi pa nakatulong na ang sungit ng doktora! Gusto ko umiyak. Ipagkakatiwala ko ba ang tainga ko sa taong kumakain ng bata, at may hawak na baril?

Pinahiran ng cotton with alcohol ang tainga ni bebe girl. Kinasa ng doktora ang hikaw sa baril.

BANG!

Uwaaa!

Pinahiran ng cotton with alcohol ang kabilang tainga. Kinasa ni doktora ang hikaw sa baril.

BANG!

Uwaaa!

"Shhh! Pitchy, it's okay. Tapos na. It doesn't hurt, right?" inakay niya ang anak palayo.

Habang naglalakad, kita ko ang pag-agos ng tubig pababa sa shorts ng bata. Naihi sa takot.

Hindi daw masakit?! I don't think so!

"Pitchy!"

"Mommy, my ears ache! It hurts po. Uwaaa," tapos ihi sa shorts.

Humagikgik si Calvin.

"Anong nakakatawa?"

"Ang puti ng mukha mo sa takot," sabi ni Calvin, "Teka. Wala akong bimpo. Paano pag naihi ka din?"

"Shut up," kinurot ko siya, "Ang lupit niyong mga tao sa aming mga babae. Ayokong magpabaril sa tainga."

Specialized earings ang ikakabit sa tainga ko. Tapos, hintay daw ng at least three days bago tanggalin at palitan ng ibang hikaw. Matulis ang dulo ng hikaw para tumagos sa balat ng tainga. Mataba ang buntot.

"Next!" sigaw ng nurse.

Tumayo na si Calvin. Dumikit ang puwit ko sa cushion ng waiting lounge. Ayaw matanggal.

"Megara," he yanked my hand up, "Come on."

Tinignan ko ang batang susunod sa akin. "Baby, ikaw na daw. It's your turn na."

"Tsk!" angal ni Calvin, "Meggy, don't be such a baby. Tinitignan ka na ng nurse at doktora."

"Next!" sabi ng nurse, ang sama ng tingin sa akin.

Tinulak ako ng batang susunod sa akin patayo. Hinatak ako ni Calvin.

Naalala ko ang lakad ni Jose Rizal bago siya barilin sa Rizal Park habang naglalakad ako papunta sa treatment chair. Isa lang ang ear pierce sa tinitiis ng mga babae dahil may vagina sila. Isama mo pa doon ang pain of childbirth.

Umupo ako sa treatment chair. Umupo si Calvin sa mono block. Humigpit ang kapit ko sa kaniya nang tignan ako ng doktora, nagtataka siguro kung bakit ang tanda ko na, wala pa akong butas sa mga tainga.

Namumuti ang mga kamay at daliri ko, nanlalamig pa. Sumikip ang dibdib ko.

"Aw!" natatawang angal ni Calvin. Ngumiwi siya at tinignan ang magkabuhol naming mga kamay. Bumabaon ang aking kuko sa balat niya. Dagdag pa na basang-basa na sa kaba. Tinitigan ko siya para pakalmahin ang sarili ko.

Hawak ni Calvin sa isang kamay ang cellphone. Pinisil niya ang kamay ko, sinasabing kaya ko 'to.

Kinasa ni doktora ang hikaw sa baril. Saka niya pinunasan ng bulak na may alcohol ang tainga ko—ang lamig matapos tamaan ng air conditioner.

"Ahhh!!!"

"Wala pa!" asik ng doktora, "Ang arte..."

Kumislap ang ngipin ni Calvin matapos tumawa. Aliw na aliw ang hudas.

Tinapat ni doktora ang baril sa tainga ko. Ramdam ko ang malamig na barrel. Tapos...

BANG!

I'd been shot!

"Ahhh!" napapikit ako sa sakit. Namanhid ang buong katawan ko.

"Mommy, look! Teacher Megara is crying," sabi ng bata at dinuro pa ako.

"It's okay, Meggy. You've done a great job," pang-aalo ni Calvin, "Isa pa. Isa na lang."

Sumimangot ang doktora. Palibhasa mukhang walang love life! Kaya naknakan ng sungit.

Kinasa niya ang hikaw sa baril. Saka pinunasan niya ng cotton with alcohol ang tainga ko.

Huminga ako nang malalim nang itutok niya ang baril sa isa ko pang tainga. Pumikit ako, tipong parang lulusong sa dagat kung mag-ipon ng hangin sa baga.

Bumaon ang aking mga kuko sa balat ni Calvin. Hindi na siya dumadaing. Mataas nga pala ang pain tolerance niya. Nakikipagpatayan siya sa basketball court. Ano ba naman ang kurot ko? Kailangan ko talaga.

BANG!

"Ahhh!!!"

I heard him laughing soflty. Calvin used his thumb to wipe my tiny tear drops.

"Wala na. Finish na," sabi ni Calvin, "Naiihi ka ba?"

Lumabi ako.

Tumayo na siya at inakay ako patayo. Tumigil kami sa nurse at binigyan kami ng bill na siyang babayaran sa cashier ng ospital. Kinuha ni Calvin ang papel at sabay kaming lumabas.

Humupa na ang takot ko. Ang bigat ng tainga ko, ubot pa ng sakit lalo na pag nagagalaw.

Tumigil kami sa pader na may salamin. Kumislap ang fake emerald sa mga tainga kong namumula.

Tsaka doon ko lang nakita ang damage ko sa balat niya. Para siyang nilamutak ng asong ulol.

Tumikhim ako at lumakad na parang walang naganap na barilan.

"Masakit ba talaga?" curious na tanong niya, pinisil ang kamay ko.

"Hindi 'no. Umaarte lang ako. Wala pa 'yon sa ininda kong sakit nang tumira ako dito sa lupa. Kagat lang ng langgam."

He giggled uncontrollably. "Stop acting tough around me. I'm not gonna judge you for being weak. Just be yourself."

Tinignan ko ang mga kalmot sa kaniyang kamay, proweba ng kaduwagan ko sa baril ng hikaw. Tinadhana ako na magpakatoo at maging housewife niya. At the end of the day, it was easier said than done. Mahirap magpakatotoo kasi may masasaktan. Kaya pipilitin mong magbago hanggang sa maging ibang tao ka na. Tsaka ka magpakatotoo. 

Jinxed Series: Lost LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon