Chapter Nineteen

267 27 4
                                    

Megara Cruz

TULAD NG INAASAHAN, miracle daw sabi ng mga doctor ang kondisyon ni Calvin. Gumawa sila ng series of tests para tiyakin ang kondisyon ng knee injury.

Dumating sa ospital si Coach Peter at Mr. Penumbra. Sila din ay hindi makapaniwala. Huling beses nilang makita si Calvin kahapon, para siyang lantang letsugas. Ngayon, mas bibo pa siya sa kiti-kiti.

Bakit daw biglang gumaling si Calvin? Kita ang ligament tear sa MRI scan. Wala pang surgery, pero magaling na siya.

Tumingin sa akin si Coach Peter at Mr. Penumbra. Punung-puno ng duda. Milagroso daw ba talaga ang mga luha ko?

Nagkibit-balikat lang ako.

Kumalat na sa buong bansa na makakapaglaro si Calvin sa susunod na laban ng PBA Semi-finals. Game Three.

Tulad ng sabi ni Kuya Earl, kaliwa't-kanan ang pustahan ng mga Filipino kung sino ang mananalo. Kahit sa barangay level, aktibo sa sugal. Mas gusto ng masa ang West Paint, sabi ni Kuya, mataas na naman daw ang pustahan.

Kinabukasan, kakauwi ko lang galing day care center. As usual, late na naman kinuha ng nanay niya si Johnie. Kaya buong magdamag, hinabol namin ang batang ipo-ipo.

Sinarado ko ang front door, inalis ko ang high heels. Isa-isa kong tinanggal ang butones ng suot kong blouse, pati na din ang pencil skirt na suot habang naglalakad papasok sa kwarto ko. Na-try ko na magbabad sa bathtub. Isang beses, nakatulog ako habang babad sa mainit na tubig. Saka lang ako nagising pagkatapos ng isang oras at kalahati.

Stressed ako sa batang may ADHD. Pero at least, well managed ang center kahit wala ako. Naturuan ko nang maayos ang aking mga empleyado kaya bihira silang dumepende sa akin lalo na 'pag wala ako.

Ilang taon din akong nag-ipon ng experience sa mga nursery school bago ko tinayo ang Olympus Day Care Center. Pumili ako ng magandang lote sa Katipunan Avenue. Malapit ito sa offices sa Eastwood. Friendly pa ang environment dahil katapat ng Ateneo de Manila at Miriam College.

Magbababad ako sa bathtub para magdestress. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko.

"AH!!!" sigaw ni Calvin matapos akong hagurin ng tingin mula ulo hanggang boobs.

Kumunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"Oh, my God! Why are you naked?"

Bakit ganito ang reaksiyon niya? Ah! Oo nga pala. Homo sapien. Malisyoso. Kinuha ko ang bathrobe sa gilid ng pintuan at binalot sa katawan ko.

"From where I came from," kwento ko, "I am surrounded by mind readers. Wala kang pwedeng itago sa kanila. Hirap pa din ako mag-adjust dito sa lupa. Sex is a normalized practice. It's a personal need, just like how you need food. But of course, you can only fuck the citizen your destiny promised you. Whatever that means."

"Please, tell me you're covered. So I can I look at you, and have this conversation," nahihirapang sabi niya.

"I'm clean," sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri, umupo ako sa kama at nag-cross legs.

Humarap si Calvin. Sinundan ng kaniyang mga mata ang hita at binti kong exposed sa slit ng bathrobe.

"Kalat ang cult of virginity sa mga relihiyon dito sa lupa," simula ko, "It causes victim consciousness among women. Kaya madaming kaso ng rape at sexual harassment. Nevertheless, I find human culture romantic! A virgin save herself for her one true love. Gusto ko sila gayahin. Madami din palang inosenteng babae sa lupa."

Nagtataka ako sa emosyon na nababasa ko sa mata ni Calvin habang tinitignan ang balat ko.

"Calvin? When was the last time you got laid? You poor thing!"

Jinxed Series: Lost LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon