Chapter Nine

322 37 9
                                    

Calvin Trazo

BUKAS ANG ILAW sa buong penthouse.

Humimlay ako sa kama habang pinapanood ang kislap ng kidlat sa labas ng floor-to-ceiling glass window. Kumislap ang ilaw sa highway, ang headlights ng mga sasakyan, at ang ilaw ng karatig building.

Malapit ako sa sidetable. Kinapa ko ang switch ng lamp saka kinalabit ng switch nito.

Open. Close. Open. Close. Open. Close.

Matakaw ako sa konsumo ng kuryente. Mataas ang bill. Madalas akong pagalitan ng tatay ko noon. Malaking kahihiyan sa kaniya na ang unico hijo niya ay takot daw sa dilim. Sundalo pa man din siya.

Pinaliwanag ni Tita Harriet sa akin kung bakit takot sa dilim si Megara. Hindi maiwasan na inilalagay ko ang sarili sa mga sapatos ni Megara noon. Kapag nasa dilim ako, nararamdaman ko ang takot niya. Tatahimik lang ang isipan ko pag binuksan ko ang lahat ng ilaw sa bahay. At makakatulog ako sa gabi.

Ala una na ng umaga pero hirap akong makatulog.

Open. Close. Open. Close. Open. Close.

Kahit pa ilang taon kong hindi nakikita si Tita, alam kong hindi siya isang panaginip. Naalala pa rin siya ni Daddy hanggang ngayon—kaming dalawa, iniisip pa din siya.

Tulad nga ng sabi ko noon, nakita ko ang lahat ng kayang gawin ni Tita Harriet. Kapag sinabi niyang totoo si Santa Claus at Rudolf, maniniwala ako. Naalala ko ang sabi niya. Kapag bumaba na daw si Megara dito sa lupa, wala siyang ibang lalapitan kundi ako. Hahayaan niya ako na alagaan siya.

Pero ngayon, parang hindi na ako sigurado.

Napatalon ako sa gulat matapos marinig ang telepono sa side table, katabi ng lamp. Sinagot ko ang tawag.

"Hello?" umupo ako nang maayos.

"Sir Calvin. Pasensiya na po sa abala."

"O, Kuya Nanding? Bakit po kayo napatawag sa ganitong oras?"

"May babae pong dumating kanina. Hinahanap kayo. Ang problema, wala po siya sa listahan."

Ah... Ang listahan. Regular ang update ko sa listahan na iniiwan ko sa lobby ng condo. Listahan ng mga babae. Booty call. No strings attached. One woman at a time. Hindi nila pwedeng paakyatin sa penthouse ng sabay-sabay. Kapag wala sa listahan, pinapaalis.

"Wala po sa listahan ang babaeng dumating," sabi ni Kuya Nanding, "Ayon. Pinalayas ko na po."

"Good. Ano bang sabi niya?"

"Basang-basa po siya sa ulan. Giniginaw. Sabi niya, kilala mo daw siya. Wala siyang ibang pwedeng takbuhan kundi ikaw. Kamag-anak mo daw siya, Sir. Pamilya daw kayo. Eh, parang hindi naman. Malayo sa itsura niyo."

Kumunot ang noo ko. "Pamilya? Ano daw bang pangalan niya?" Naku. Ang dami talagang desperado sa mundo. Magsasabi pa ng kung anu-anong kasinungalingan para lang mapansin.

"Anong pangalan ng babae, Kuya Nanding?"

"Meggy. Meggy Cruz daw po."

Binitiwan ko ang phone receiver. Sinuot ko ang tsinelas, kinuha ang key card ng penthouse, hinablot ang payong, at wala akong pake kung itim na pajama lang ang suot ko. Susugod ako sa lobby.

One of the greatest joys in life was when you pressed the elevator button, and it would open in just two seconds.

Agad akong sumakay at pinindot ang ground floor.

Ding!

There was no time to lose. Tumakbo ako sa desk ng lobby at tinanong si Kuya Nanding kung saan lumabas si Megara. Tinuro niya ang direksyon. Wala pang sampung minuto matapos niyang palayasin ang asawa ko.

Tumakbo ako nang sobrang tulin.

Lumabas ako sa revolving doors. Sa labas, malakas ang buhos ng ulan. Umaanggi ang hangin.

Agad kong nakita ang bulok na kotse ni Megara. Kaso wala ang dalaga.

Tumingin ako sa sahig. Nakita ko ang trail ng wet footprints sa tuyong sahig, papunta sa kaliwa ko. Parang aso na sinundan ko ang bakas.

Hanggang sa nakita ko ang basang sneakers. Nag-angat ako ng tingin.

Nakatingin si Megara sa malayo. Suot ang basang grey sweatshirt. Tumutulo ang tubig mula sa basa niyang buhok. Yakap-yakap niya ang sarili. Yumayanig ang katawan niya sa tuwing hahampas ang malakas na hangin sa basa niyang pajama at sweatshirt. Her trembling purple lips... Her wrinkled wet fingers...

My heart sank when she looked my way, her face lit up upon seeing me, her lips parted slightly. There were fear and embarrassment in her eyes, saying she wans't sure what to do, and where to go. She was lost, her compass pointed its direction towards me.

"Meggy."

Tinitigan lang niya ako at hindi sumagot. Lumakad siya palapit, dahan-dahan. Hinilig ang ulo sa aking dibdib, at umiyak—yumanig ang kaniyang mga balikat.

Nabitiwan ko ang hawak na payong. Tumayo ang balahibo ko matapos lumapat ng malamig at basa niyang damit sa tuyo at mainit kong katawan.

I pressed her face against the heat of my skin.

She cried, and cried until she collapsed, losing her consciousness in my arms. 

Jinxed Series: Lost LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon