Calvin Trazo
DUMILIM ANG BUONG paligid matapos naming alisin ang cork sa babasaging bote. Kumawala ang makukulay na pulbura at kinulayan ang dilim. Hanggang sa naging klaro. Nasa loob kaming dalawa ni Megara sa isang magarbong kwarto. Malamig, tipong nanunuot sa buto. At ang tanawin sa labas ng bintana, sinasabing wala kami sa Pilipinas.
Nasaan kami, tanong ko sa kaniya. Sumagot siya, Switzerland.
Walang tao sa loob ng bedroom. Mula kisame hanggang sahig, makikita ang class at luxury. High celing, huge double doors, pristine white carpeted floors, crystal chandeliers, ornaments, upholstery, stuffed dead animals from hunting, at kung anu-ano pa. Malinis ang buong kwarto. Inalagaang maayos ng domestic workers.
Sa isang pader, nakasabit ang malaking wedding picture ng isang babae at lalaki. Mga bata pa. Tipong early twenties.
"Where are we?" manghang tanong ko kay Megara.
"Just watch with open eyes, Calvin. Here she comes."
May narinig kaming yabag na papasok sa kwarto.
"Kailangan ba natin magtago?!"
Hindi sumagot si Megara nang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng nasa wedding picture. Pinanlisikan ko siya ng mga mata dahil sobrang pamilyar ng mukha niya. Lumuwa ang bibig ko. Kamukhang-kamukha ni Megara ang babae. Mula ulo hanggang paa. Para silang kambal.
This must be her. Wala ng iba.
"Si Trisha," bulong ni Megara.
At hindi niya kami nakikita. Tulad ng kwento ni Megara. Kumawala ang memorya sa bote matapos namin itong buksan. Nasa Pilipinas pa din kami. Pero ang aming utak, dinala ng memorya sa Switzerland.
Lumapit ako kay Trisha at kinumpas ko ang aking kamay sa kaniyang mga mata.
"She can't see me," amazed na sabi ko, "Our daughter, Megara! She's beautiful like you!"
Pumikit nang mariin ang girlfriend ko. "Titigan mo siyang maigi, Calvin. Hindi mo ba siya nakikita?!"
Sinuri ko si Trisha at ako'y suminghap, sinapo ko ang bibig.
Suot niya ang floor length vintage dress. Mahaba ang manggas. Kumukutitap ang mga alahas sa katawan niya. Pero bakas pa rin ang pagkabahala sa kaniyang mukha. Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili. Saka niya dahan-dahang inangat ang mga manggas at palda niya para suriin ang...
"What the fuck happened to my daughter?!" sigaw ko.
Purplish bruises on neck, arms, legs, and thighs. Masakit tignan ang malawak na peklat sa kaniyang siko na parang ito ay galing sa...sunog. Akala ko may gumagapang na caterpillar sa kaniyang legs. Mga stitches pala para isara ang malalim na hiwa sa hita—sariwa pa sila.
Lumapit sa akin si Megara, namamasa ang kaniyang mga mata. "Right now, Trisha is 19 years old," kwento niya na parang tour guide, "She married last year because of love. Buntis siya ngayon, Calvin. Dalawang buwan."
Nanlamig ang kamay ko. Pinipiga ang puso ko, pinapanood ko pa lang siyang tignan ang sarili sa salamin.
"Sino? Sino ang nanakit sa kaniya?!"
"Her husband."
On cue, bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na nakilala ko kaagad. Bakit nandito si Jonathan, ang best friend ko? Oo. Si Jonathan nga. Matangkad. Maliit na noo. Manipis at pahaba na kilay. Singkit. Patulis na ilong. Manipis na labi. Square jaw.
Pero kung si Jonathan ito, bakit ang payat niya? Nasaan ang pinagmamayabang niyang muscles? Higit sa lahat, mukhang totoy. Walang pores. Walang bigote.
BINABASA MO ANG
Jinxed Series: Lost Lines
FantasyCalvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko makikilala ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa daw. Parang si...