Megara Cruz
"OH, MY GOD," sambit ko matapos buksan ni Calvin ang pinto. Nilapat ko sa puso ang key card at mga susi. Ginila ko ang mata sa kabuuan ng penthouse.
Kamukha nito ang structure ng unit ni Calvin. Sa disenyo nito naalala ko ang bahay namin sa Olympus City.
Nagmistulang greenhouse ang buong unit dahil sa halaman na nakatanim sa hydroponics at iniilawan sila ng artificial bulb lights na siyang mag-iilaw sa penthouse pag sumapit ang gabi. Pulos potted plants sa paanan ng glass walls.
The carpeted floors were bright green, mukha tuloy silang Bermuda grass. Tinanggal ko ang sandals at naglakad. Malambot sila, nakikiliti ang mga paa ko.
The furnitures were all made from wood and carved artistically.
May fountain pa at lumulutang ang water lily pads at lotus flowers. Relaxing pakinggan ang agos ng tubig.
Modern with a touch of nature. It was like an indoor garden. Kamukhang-kamukha ng bahay namin sa mga ulap. Naroon ang kirot kasi bigla kong naalala ang mga magulang at ang dati kong buhay.
Mayroon itong tatlong bedrooms, apat na bathrooms, at office library. Dalawa sa tatlong bedroom, may ceramic bathtub.
"Ang laki," bulong ko matapos sukatin ng tingin ang taas ng kisame.
"That's not even the best part yet," sabi ni Calvin, "Tinulungan ako ni Robina Sanchez para ayusin ang landscape."
Pumunta kaming dalawa sa outdoor deck at sinalubong kami ng usok sa Metro Manila skyline.
Nevertheless, napangiti ako sa wooden boardwalk, pergola, bamboo trees, authentic Bermuda grass, at outdoor sofas at tables. Umaagos ang tubig ng artificial pond, lumalangoy doon ang mahahabang Koi fishes.
Sa kanan, naroon ang isang wooden fence na naghihiwalay sa mga outdoor deck ng dalawang penthouse unit.
Lumakad ako sa partition at tinignan ang outdoor deck ni Calvin. Kasing gardbo din ito ng unit na pinasukan namin, pero nandoon ang workshop ng binata. Puno ng saw dust ang boardwalk, nakasabit sa pader ang tools, maalikabok ang craft table.
Kahit isa siyang professional athlete, hindi pa rin niya kinalimutan ang talento sa arkitektura. Kapag nagretire na siya sa basketball, magsisimula siya ng architectural firm. Matutuloy kaya 'yon balang araw? Walang may sigurado.
"So what do you think?" tanong ni Calvin.
Lumipas lang ang isang linggo, wala na ang trangkaso ko. Pinatuloy ako ni Calvin sa kaniyang guest room.
Pinaghintay niya ako ng isang linggo bago ipakita ang penthouse unit. Kahapon lang sila natapos sa renovation.
"Isang bagay lang ang kailangan ko malaman," hinarap ko siya, "Magkano ang renta buwan-buwan?"
Kinamot ni Calvin ang kaniyang stubbles, sabay ngiti, "I prefer not to tell you."
"Tell me!"
"Okay! Okay! You sure you wanna know?" aniya, "Fifty-six thousand pesos per month."
Bumilog ang mga mata ko. Wala pang kuryente 'yon at tubig. Dagdag mo pa ang monthly groceries ko. Kumikita lang ako ng fifty thousand buwan-buwan. Ayaw ko ilagay ang inutang kong pera sa banko para bayaran 'to. Hindi babalik sa akin ang pera.
"There's no way I'm gonna let you pay that much! Isa pa, masyado 'tong malaki para sa akin. Nag-iisa lang ako. Alam mo ba? Sa Marytown, apat na bahay na ang kasya sa laki ng outdoor deck na 'to. Minnimum na apat na tao kada bahay. This is a total waste of space. Abuse of wealth."
BINABASA MO ANG
Jinxed Series: Lost Lines
FantasyCalvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko makikilala ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa daw. Parang si...