Megara Cruz
"MY TOES, MY KNEES, my shoulder, my head," pag-awit ko sa popular na nursery rhyme, kasabay ng pag-andar ng cassete player. Sabay-sabay ang mga bata sa pagkanta at action. Nasa harap ako at tinuturuan silang kumanta.
Pero dahil nga toddlers, wala pa sa tamang pag-iisip, may ilan talaga na ayaw sumunod. Ang iba pakalat-kalat na parang lego blocks sa sahig, ang iba babad sa coloring materials, feeling Pablo Picasso. May nangungulangot at titikman pa kung anong lasa, may umiiyak, may dumudumi sa diaper (narinig ko silang umutot). And then there's Johnie...
"Johnie! Put your pants on! We don't pee on our friends. Are you a dog?" pinanlisikan ko ng mga mata ang bata.
Lumawak ang ngiti ni Johnie, sing lawak ng Cheshire Cat. Alam na alam kung paano tanggalin ang diaper at pants. Nakipagtitigan pa sa akin bago niya pakawalan ang wiwi sa kaklase niyang si Veronica na siyang babad sa water color.
Focused ang batang babae sa oslo paper at hindi alintana ang maiinit na likido. Basa ang oslo paper niya. Kaysa umiyak, sinawsaw niya ang brush sa wiwi at saka pinangkulay sa artwork.
Lord, patawarin mo ako.
Kinuha ko ang pantalon at diaper ni Johnie. Pero tumakbo ang batang positibo sa ADHD at tumawa pa nang malakas, akala nakikipaglaro ako sa kaniya.
Pumalit sa unahan ang isa sa lima kong staff. Sinabayan niya ang cassette player at tinuruan sumayaw at kumanta ang mga behave na bata.
Hinabol ko si Johnie. Jusko! Parang piyesta at may hinahabol akong biik sa putikan.
Sa takot ko, walang hirap na tinawid ni Johnie ang harang sa play pen at saka tumakbo papunta sa lobby.
May kalakihan din naman ang Olympus Day Care Center na siyang sinimulan ko eight months ago. Kaya naming mag-accommodate ng hanggang forty na bata.
Malaki ang play pen. Colorful ang mga puzzle playmats. Madaming laruan at picture books. Inside, it smelled like strawberries and marshmallows. Therapeutic iyon sa mga bata. Kay Johnie lang hindi umubra.
We had a sleeping pods at the second floor. Futuristique ang tema kaya hugis UFO ang mga small beds for toddlers. Air conditioner. Pinapalitan namin sila ng damit kapag naptime na. We advised parents to bring extra clothes. Of course, we give them milk before sleeping. And there's a designated place for breastfeeding. Binibigay sa amin ng mga nanay ang breast milk na siyang lalagyan namin ng label at ilalagay sa refrigerator.
Mayroon ding feeding area na palagi kong pinapalinis sa kusinera. Pahirapan ng pagpapakain ng gulay. Kaya bilin ko, dapat presentable sa mga toddlers ang prutas at gulay.
Regular sa amin si Johnie. Hiwalay sa asawa at nagtatrabaho ang nanay niya. Lahat ng mga bata sa center nakuha na, pero laging natitira si Johnie. Ni minsan, di ko pa nakita ang tatay niya.
"Johnie, baby come here. You can't run around, naked as a pig."
Umalingawngaw ang tawa ng bata. Pumasok siya sa lobby. Siguro naman makikita siya ng clerk staff na si Michelle.
"Michelle! Si Johnie! Nandiyan sa lobby!"
Sumigaw si Michelle, tipong parang may sunog. Lalo tuloy bumilis ang takbo ko.
"Bakit?!" tanong ko, "Anong nangyari kay Johnie?!"
"Ahhhh!!! Si Calvin! Si Calvin nga!! Ahhh!! Miss Megara! Miss Megara!" tinawag na niya ang lahat pati ang matandang kusinera sa kusina.
Naabutan ko ang aking halimaw. Buhat-buhat sa ere ang batang may ADHD. Malawak ang ngiti ni Calvin sa bata. Bigla ko na naman naalala ang opinion niya sa bahay kong haunted house. Seeing them together, I had to reserve my slot in hell. I wished Johnie would flow his fountain on Calvin's expensive poloshirt.
BINABASA MO ANG
Jinxed Series: Lost Lines
FantasyCalvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko makikilala ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa daw. Parang si...