Calvin Trazo
IT HAD BEEN two blissful weeks. Except I was lying. Kapag si Megara ang pinag-uusapan, kulang ang blissful.
Ang girlfriend kong palaban... Sa pangalawang linggo ng lipat niya, dumating ang kaniyang monthly visitor. Megara, in the wake of menstruation, was like a freakin' circus! Ang hirap niyang sabayan.
Monday, she loved me, curling up beside me on the sofa like a harmless kitten, pressing her cheeks on my arm. Tuesday, she packed my lunches. Parehas na kami ni Jonathan ngayon. Except masarap magluto si Megara. Wednesday, umiiyak siya sa sulok, tulala. Thursday, humahagis na ang mga gamit sa penthouse ko. Asar na asar siya dahil binubuksan ko ang pinto para sa kaniya.
"Baldado ba ako? Putol ba ang kamay ko? May hawak ba ako sa mga kamay?" aniya, "Wala di ba? Wala. Kaya kong buksan ang pinto. Gusto ko ng equality!"
But I wouldn't listen to her anyway. My dad brought me up as a gentleman.
Friday, she was reading the book called The Handmaid's Tale by Margaret Atwood. Malay ko ba kung anong libro 'yon. Putsa. Dalang-dala ang girlfriend ko. Kumain kami sa isang Chinese restaurant. Hindi ko pinili ang order niya. Oily at mataas ang cholesterol. Galit si Meggy. Sinumbatan niya akong sexist at misogynist dahil ako ang pumili ng order namin.
Saturday, lumapit siya sa akin. Humihingi ng tawad. Habang naglalaro ako ng Monster Hunter sa PS4, pinaliwanag niya kung ano ba ang nangyayari sa katawan ng isang babae tuwing regla. Nanigas ako na parang bato. Medyo kadiri. Pero naantig ang puso ko kasi naluluha siya habang nagpapaliwanag. And any story with tears from Megara was always worth hearing about.
Ang sabi ng best friend ko, lumayo daw ako sa mga babae tuwing linggo ng kanilang period. Ginagamit kasi nila itong palusot para sa bad behaviour. Higit sa lahat, numero uno itong dahilan kung bakit ayaw nila ng sex. Jonathan believed that if a woman was having her period, STAY AWAY. Leave women in their caves. Let them bleed to death and cry.
Kunut-noo at ngiwi, nakinig ako sa mga kwento ni Meggy. Women lose so much blood every month. Tinatamaan sila ng weird cravings. Tinutubuan ng pimples. Hormonal. Hysterical. Emotional. Cramps. Cramps.
Sa lahat mga past relationship ko, never naming pinag-usapan ang mga ganitong klaseng bagay. And listening to Meggy... Ewan ko kung totoo ang mga sinasabi ni Jonathan. Parang ayokong iwan si Meggy kahit pa circus show sa tuwing menstruation niya.
Hiwalay ang kwarto namin ni Megara. Tulad ng sabi ko kay Yale, she's not my fucking buddy. She's the future, the one, and the fated. No. We haven't had sex yet. Ayos lang. Sinusulit namin ang bawat segundo na magkasama.
Di ako perpekto. May mga oras na muntikan na ako bumigay at gapangan siya sa sheets ng kama niya isang gabi. Natutukso akong kumatok. Lalo na pag naglalakad siya sa penthouse, walang saplot sa paa, at maikli ang shorts na suot. Lalo na pag gabi, suot ang maluwang na shirt, bakat ang kaniyang mga utong, at matutulog na.
Parehas naming nararamdaman 'to. Sabi ko sa kaniya, gusto ko mag-antay. Tinawag niya akong corny at romantiko. Ayos lang. Dapat special. Gagawin lang namin sa tamang oras. We're gonna have countless sex after the first. Ayokong kalimutan itong mga sandali na hindi ko pa siya ginagalaw. Hindi na 'to babalik sa aming dalawa.
Today was Sunday. Hapon. Malakas ang ulan sa labas. Nakakatamad ang panahon. Pumunta ako sa kwarto ni Megara. She had been cooped up inside her room since morning like a cave person.
Tumayo ako sa harap ng pinto niya at kumatok ng tatlong beses. Pinihid ko ang doorknob pabukas.
Makulimlim sa loob ng kwarto niya. Walang ilaw na bukas. Ang tanging liwanag ay nanggagaling sa floor-to-ceiling glass windows. Tumutulo ang rain drops sa salamin. Malamig sa loob kahit sarado ang air conditioner.
BINABASA MO ANG
Jinxed Series: Lost Lines
FantasiCalvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko makikilala ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa daw. Parang si...