CALVIN TRAZO
TINANONG KO SI Megara kung gusto ba niya sa aking sumama na dumalaw sa ospital.
Habang birthday dinner ng tatay ko, tumawag sa akin si Jonathan, sinabing dinala sa ospital si Shania kasi pumutok na ang tubig niya. Lalabas na si André, ang anak nila Jonathan at Shania. Niyaya ko si Meagara na dumalaw bukas ng gabi pagkatapos ng training ko. Di pa rin sapat ang balita na 'yon para ibalik ang kulay sa kaniyang mukha matapos niyang umiyak sa kama.
Nakita ko na naman kung paano gumuho ang mga pader sa mundo ni Megara. Una niya itong pinakita sa akin matapos masira ang bahay niyang haunted house. Pinakita niya matapos ko siyang mahalin sa kama, yumanig ang mga balikat niya. Tinanong ko kung anong masakit, ang sagot niya: puso. Sumasakit ang puso niya.
Akala ko literal. Baka dahil masyadong nasarapan, tinamaan ng chest pain. Pero hindi. Yumanig ang balikat ng babaeng mahal ko, tumulo ang mainit niyang luha sa aking dibdib. Sumasakit ang puso niya. Tinatanong ko siya kung bakit, pero iyak at yanig ang tanging tugon na binigay ni Megara.
Habang pinapanood ko siya sa dinner, parang nawala siya sa tabi ko. Lumangoy siya sa malalim ng sikreto ng pagkatao niya, at di ko siya pwedeng habulin kasi sinasaraduhan niya ako ng pinto. Kinulong na naman niya ang sarili sa nagtataasang pader. Kung ano man ang iniisip niya, hindi ko siya mahabol pabalik dito sa lupa.
My Megara was lost in her pain she wouldn't share with me.
Pumayag siyang dumalaw kami sa ospital bukas. Pilit na pilit.
"Dude?" kausap ko si Jonathan sa phone, "Dito na kami ni Meggy sa ospital. Anong room niyo?"
"Room 15A. He's a beautiful boy, Calvin! Come here! Quick!"
Pinindot na niya ang end button. Pumasok kami ni Megara sa lobby ng St. Luke's Hospital. Tahimik kaming dalawa. Siya ang ayaw kumausap sa akin. Napapahiya lang ako sa attempt kong bumuo ng conversation. Inaarok ko ang isip kung may ginawa ba akong mali sa kama at ba't bigla siya naging ganito?
Bumukas ang elevator doors at sumakay kaming dalawa. May mga kasabay kami. Siksikan sa loob parang sardinas. Kumapit si Megara sa kamay ko para hindi siya matangay sa ibang direksiyon. Hinawakan ko siya nang mahigpit.
Panaka-naka ang lingon ng mga tao sa direksiyon ko. Rinig ko na naman ang pangalan ko sa bulungan nila. Sa pagkakataong ito, pati pangalan ni Megara nasama sa bulong at singhap. Tiniis naming dalawa ang attention hanggang sa makarating kami sa 15th floor. Saka kami lumabas at hinanap ang kwarto ng mga Abueva.
Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit pabukas ang pinto. Nasa loob sina Coach Peter at Mr. Penumbra. Pati na din ang ibang ang players sa aming team.
"Pare!" bati ni Jonathan, "Pasok dali!"
Tumabi ako sa best friend ko sa baby basket, at sabay naming pinanood si André. Tahimik lang kami. Pabulong. Baka magising ang bata. Sumali ang iba naming kaibigan sa mga asaran.
Evident ang pagod sa mukha ni Shania. Nanghihina siya. Maputla ang mukha, lawlaw ang tiyan, lobo ang mga braso.
Lumingon ako at nakita si Megara na lumapit kay Shania sa kama, kinakamusta. Hanggang sa maya-maya, sumali sa usapan namin si Shania at natulak si Megara sa pader. Out of place. Tahimik.
Maya-maya, binuhat ni Shania ang kaniyang bata. Natuon ang usapan naming mga lalaki sa paparating na laban. Magiging mahirap na ang sitwasyon ni Jonathan ngayon dahil sa kaniyang baby boy.
Hindi talaga mawaglit ang attention ko sa kaniya. Pilit akong lumalayo pero hinahanap talaga siya ng mga mata ko. Lord, ano bang gagawin ko kay Megara? Masama ang tingin niya kay André. Kung kaming lahat excited sa bagong sanggol, siya lang ang sambakol ang mukha sa tuwing titignan si André na parang kamukha ng sanggol si Shrek the Ogre.
BINABASA MO ANG
Jinxed Series: Lost Lines
FantasiCalvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko makikilala ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa daw. Parang si...