Chapter Twenty-Eight

270 26 1
                                    

Megara Cruz

"MAIBA...TAYA!! TALO si Jomar! Takbo kayo dali! Sampa sa langit!" sigaw ko sa mga bata. Talo sa mataya-taya ang 13 year-old na batang si Jomar. Tumawa ako, ang mga madre, at mga bata habang tumatakbo kami palayo dito sa playground ng St. Catherine Rehabilitation Shelter sa Quezon City.

Creative ka dapat sa Langit at Lupa. Sa lawak ng playground, maraming matutuntungan na mataas na lugar. Sumampa sina sister sa plant box. Ang mga bata doon sa monkey bars, puno, at duyan. Ako naman dito sa bench.

Binantayan ako ni Jomar sa bench dahil crush niya ako. Tulo pa ang laway habang inaabangan ang paa kong lumagpas lang ng konti sa edge ng bench.

"Hoy! Wag ako bantayan mo! Umapak na sa lupa si sister! Doon ka!" sigaw ko, tatawa-tawa, "Laway mo pati! Ano? Magdidilig ka ng halaman, ha?"

Tumawa ang mga kalaro ko.

Tatlong palapag ang shelter. Simple lang ang interior nito. Mura ang materyales ng buong establishment. Madaming sira. Kaya nang tumaas ang aking buying power, pinaayos ko kaagad ang shelter nina Sister Aurelia.

Paborito nila Sister ang mga bata at babaeng biktima ng karahasan. Ang mga rape victims, battered wives, child abuse victims kinukupkop nila. Ngayon, mayroon silang fifty six inmates. Thirty children, and twenty-six women na biktima ng violence.

Kumukha sila ng pondo sa donor nila na Human Rights Documents sa Europe. Patapos na ang contract period nila sa HRD kaya kulang-kulang na ang mga gamit ng mga bata para sa school. Siyempre to the rescue ang iyong humble narrator dahil mataas na ang aking buying power ngayon.

Hinintay kong magbukas ang SM Aura. Tumambay talaga ako sa parking lot ng mall para makapasok. Splurge kung splurge! Nabilhan ko ng damit, sapatos, bag, school supplies, toiletries ang inmates. Isang swipe lang ng credit card, nailabas ko silang lahat at dinala dito sa St. Catherine Rehabilitation Shelter.

I was not totally heartless like what Calvin was probably thinking right now. Tumawag siguro ang bangko sa kaniya. Kasi limang libo na lang, abot na ang credit limit. Ang kapal ng mukha ko. Bigla ako nahiya habang nagmamaneho papunta dito sa shelter. Pero nang makita ko kung gaano sila kasaya sa mga pasalubong ko, nalusaw ang agam-agam ko.

"Jomar, ayun nga si Sister Janice! Lumipat na sa puno. Wag puro ako. Ang daya naman!"

Payatot si Jomar. Limang buwan na siya dito. Pending ang custody case ni Jomar sa court. Hangga't walang hatol ang korte, dito muna siya. Palagi ko silang dinadalaw tuwing Sunday.

Lumingon si Jomar sa kaniyang likod. Saka ako tumakbo papunta sa plant box. Hinabol ako ni Jomar! Patay na patay talaga sa akin. Ang lakas ng tawa.

"Taya!" sigaw niya at pinalo ako sa puwit. Tumawa ang mga kalaro ko. Masyado siyang hyper dahil sa candy na binili ko para sa kanila. Napuwitan tuloy ako!

"Lagot ka sa akin!" hinabol ko siya.

"Walang balik taya!" sigaw niya sabay tungtong sa plant box kasama si Sister Janice.

"Ikaw talaga, Jomar! Bakit ka namamalo sa puwit?" sita ni Sister Janice.

"Ah! Puwit! Puwit! Puwit" sabi ng three years old na si Kevin, hinubad niya ang shorts (wala siyang brief), binato sa damuhan, at kumendeng-kendeng sa aming lahat. "Puwit! Puwit! Puwit!"

Lumuwa ang mga mata nila sister.

Tumawa ako nang malakas, nainis si Sister Janice. Ngayon pa lang natutong magsalita si Kevin. Para siyang parrot na tinuruan ng bad words.

Jinxed Series: Lost LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon