Megara Cruz
DALAWANG ARAW NA sa ospital si Calvin. Lumabas na siya kaninang hapon at pauwi na ngayon sa penthouse.
Tumawag ako sa mga empleyado ko sa day care center. Sinabi ko kay Michelle, ang front desk secretary, na hindi muna ako papasok dahil sa family emergency.
Tumingin ako sa yellow granite tiles dito sa hallway ng elevators, hawak ko ang cellphone, binabasa ang updates ni Yale. Ang sabi niya sa akin, pauwi na ngayong gabi si Calvin. Siguro, mga bandang 7 PM, nandito na siya.
Huminga ako nang malalim at sumandal sa pader, kaharap ng elevators.
Naninikip ang dibdib ko. Minsan, nakakalimutan kong huminga sa takot.
Hanggang sa bumukas ang elevator sa harap ko.
Agad na nagtama aming mga mata, at nasaktan ako matapos makita ang kabuuan niya.
"Calvin..." I faltered.
Malalim ang eye bags niya, walang kasing itim. Humaba ang kaniyang bigote, napabayaan sa dalawang araw sa ospital. Oily ang mukha niya. May white bandage sa kaliwang mata. Binalot sa brace bandage ang kaniyang injured knee. Gumamit siya ng saklay sa kaliwa para suportahan ang tuhod sa paglalakad. Kita ko ang mga kalmot sa dalawang braso niya. Lintik ang players ng West Paint. Kailangan silang bigyan ng nail cutter. Di maiiwasan ang mga kalmot tuwing laro.
Ramdam ang galit sa aura ni Calvin. Halos di ko nakilala ang lalaking tumanggap sa akin matapos akong mabasa sa ulan, at mawalang ng tirahan.
Gulilat ang mga kasama ni Calvin matapos ako makita. Kasama niya sa kaniyang likod si Coach Peter Alarcon, pati ang sports agent ni Calvin at Jonathan na si Mr. Marcos Penumbra.
Iniwas ni Calvin ang mga mata, at saka lumabas ng elevator.
It was a grade II ligament tear. Hindi na bago kay Calvin ang sprains. Four years ago, the same injury happened on the same knee. Marunong siyang gumamit ng saklay hanggang ngayon.
"Calvin," lumapit ako. Pero humarang ang sport agent niya.
"Ikaw na naman?" ani ni Mr. Penumbra, "Paano ka nakaakyat dito?" Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Calvin.
"Unbelievable, isn't?" sikmat ni Coach Peter, "Miss Megara, wag kang makulit. Ayaw kang makita ni Calvin. Wag mo akong pilitin tumawag ng pulis."
"Kaya ka ba dalaw ng dalaw sa ospital?" tanong ni Mr. Penumbra, "May relasyon ba kayo ni Calvin?"
"Is this true, Calvin? Girlfriend mo ba siya?" tanong ni Coach, "I thought you said she's one of your crazy fans! She sneaked in to your hospital room, and you shouted at her."
"Hindi ko siya kaano-ano!" sigaw ni Calvin, "Now, please! Open the goddamn door, and leave me alone!"
Silence.
Bumuntong-hininga si Coach Peter. Hawak niya ang key card at binuksan ang penthouse ni Calvin. Pumasok silang dalawa sa loob at sinarado ang pinto.
Humalukipkip ang sport agent, uwang ang bibig, tinitigan niya ako nang husto.
"I should have known!" sinapo ni Mr. Penumbra ang noo, "Calvin's poor mental state... The problem is about a woman."
"Anong sabi ng doctor?" tanong ko, "I can help Calvin. He doesn't have to undergo a surgery tulad ng sabi ng kaniyang orthopaedic surgeon. He just needed to rest. Tutulungan ko siyang gumaling."
"Milagroso ba 'yang luha mo? Gagaling ba siya 'pag umiyak ka? Gagawa ka ba ng rosary vigil?" aniya, "Paano mo siya pagagalingin? Wag ka ngang magmarunong sa doctor."
BINABASA MO ANG
Jinxed Series: Lost Lines
FantasyCalvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko makikilala ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa daw. Parang si...