I don't know kung okay 'tong naisip kong story na hinalukay ko pa sa pinaka-kailaliman ng utak ko (hahaha meron pala ako nun? Chos!) pero sana kahit simple lang sya, magustuhan nyo pa din pong basahin.
This story is kinda serious. Please kindly vote and comment. Hehe ^__^
---
RYAH'S POV
AT LAST!!!!!
Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan namin ng pinakamabait kong pinsan na si Elida Marie Costelo, Eli for short.
Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag andito ka sa sarili mong bansa ano? kahit di sya perpekto tulad ng bansang America still hinahanap hanap pa rin natin ang ating pinagmulan.
Pakiramdam ko para akong bata na naeexcite na makauwi na sa malaking mansyon well natural lang naman siguro yung feeling ng ganto three years ba naman akong hindi umuwi, ni hindi nga ako nakapag-paalam sa parents ko ng maayos, biglaan kase ang pagpunta ko sa Cali kasama ang magaling kong pinsan.
Huy! Ano na??! Tulala na lang te?! Let's go na! I'm feeling tired na I need to get some beauty rest na! Ang init init talaga dito! Promise! gusto ko ng bumalik ulit sa Cali as in ngayon na! untag ni Eli sakin saka nagpatiuna ng maglakad palabas ng lounge, napailing na lang ako.
Napakabungangera talaga nyan akala mo lageng nasa palengke, ni hindi man lang nabago ng Cali ang ugali hays!
Sumunod ako sa paglalakad nya, hindi ko mapigilang hindi mainis habang nakatingin ako sa kanya, pano kase habang naglalakad sya panay ang reklamo nya na kesyo mainit daw, pagod na daw sya, masakit daw ang ulo nya!
Tch! kanina pa yan sa loob ng eroplano e! pati nga flight attendant hindi pinalagpas ng kaartehan nya, ako na lang ang nahihiya para sa kanya, buti na nga lang at nakapagpigil pa ako, muntik ko na ngang ihulog yan kanina sa bintana ng eroplano, pasalamat sya medyo mabait pa ako sa lagay na to kung hindi may kalalagyan talaga sya!
Bigla syang huminto sa paglalakad nya at nakapameywang na humarap sakin. For sure may sasabihin na naman yan, madaldal ding kasing bata yan! Ano ba kasing pumasok sa isip mo at agad-agad mong naisipan na bumalik dito sa Pilipinas ha?? kung makatanong lang e no?
Naisip ko na kasing isoli ka na sa kwebang pinanggalingan mo matagal ka na kasing hinahanap ng mga archeologist! -___- dami kasing reklamo di na lang sumabay sa agos tatanong tanong pang nalalaman!
Psh! Whatever! sabi nya na maarte pang tinanggal yung shades nya para lang irapan ako.
Eh nagtatanong ka! So? sinasagot ko lang yung tanong mo! sabi ko na inirapan din sya pabalik.
She rolled her eyes before she open her mouth to speak words. Duh! uso sumagot ng tama! hindi kelangan maging pilosopo Ryah! Bilisan mo na ngang maglakad pagod na talaga ako!! tapos nun maarte nyang ibinalik yung shades nya at tinalikuran na ako at muling naglakad.
Sumunod na din ako sa kanya tulak tulak yung mga bagahe namin I mean bagahe nya pala isang maleta lang naman ang dala ko samantalang sya tatlo!!
-__- Tch ginawa pa talaga akong tagatulak ng mga gamit nya sya kayang itulak ko ano? Parang ang sarap ihampas sa kanya yung maleta nya baka sakaling makahalata sya na may mga gamit syang dala dala!
Eksaktong pagkalabas namin ay nakita na namin si Mang Jose, yung family driver namin na kumakaway sa may gawi namin, agad na lumapit doon si Eli at kita ko ring agad syang pumasok sa van, kainis na babae ni hindi man lang nag-isip na ako lang yung mag-isang nagtutulak ng cart na puno ng mga maleta NYA!
Oo nga pala nakalimutan kong ikwento sa inyo na sa iisang mansyon lang kami nakatira ni Eli, sabay kaming lumaki, pero tulad na rin ng ibang mga bata hindi kami magkasundo nyan, madalas kaming magtalo mula sa mga maliliit na bagay hanggang sa mga malalaking bagay na.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Husband
Romance"Is it wrong to love a person too much?" ~ Ryah