Narrator: Si Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at may paninindigan, yan si Shane. May isang problema nga lang, hindi siya pisikal na lalaki.
Si Shane ang nag-iisang anak at taga-pagmana ng mga Rodriguez. Pero taliwas sa paniniwala ng karamihan na pagkatapos ng kolehiyo ay papasok na si Shane sa korporasyon na itinaguyod ng kanyang abuelo, abuela at mga magulang, mas pinili niya na magsimula sa baba, sa isang donut shop, malayo sa buhay korporasyon na pangarap para sa kanya, ng kanyang inang si Armie. Datapwat, bilang respeto sa pakiusap ng kanyang amang si Daniel, nanatiling nakatira si Shane sa mansyon ng kanyang mga magulang, ngunit lahat ng kanyang kagamitan tulad ng kanyang sasakyan ay produkto ng ipon niya mula sa pagtatrabaho sa donut shop.

BINABASA MO ANG
My Crazy Rich "Tibo"
RomanceSi Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at m...