Ang bawat patak
Katumbas ay hatak
At pag-apuhap sa latak ng siyang mga pumapalatakHindi ka ba papalakpak
Sa isa na namang administrasyong palpak
Sa pagtapak sa posisyon na inakala ng ibang ito na ang solusyon, at hahatak paitaas sa buong nasyon?
Hindi ka ba papalakpak gamit ang mga muling nabaling pakpak?
.
.
.
Ang bawat patak ay ang mga nasayang at masasayang na pawis, dugo, hirap, at pait
Ng mga taong hindi naman nakapiit pero nakapikit, piniling pumikit, at mananatili sa pagkakapikit.
.
.
.
Sino nga bang gustong mamulat pa sa mga ulat na baka sa susunod ay mamatay na lang tayong lahat sa gutom nang dilat?
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...