ang buhay na minana ay pawang naaabo na sa init ng dusa sa mga palayang natupok na ng apoy na sinasabing lunas sa lumalalang sakit na terminal ng mga bakit. hinayaang magutom ang minahan ng ginto, ang terminal ng dusta, salat sa pag-asa, minamata, nagpapamata, nakapikit ang mata, hindi na ata talaga mamumulat, matutuloy sa mahabang paghimbing sapagkat baril, gutom, at pag-alila ang alam na hantungan ng mga nasa terminal ng mga minahang minata
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...