larong wala naman dapat baril
pero ang dami nang nadiskaril
ng paghila sa gatil-
yo sa mga maralitang hilahil
ng administrasyong pilapil
ng mga dila lang ang matabil
hindi na tayo natuto
muli na namang nagpauto
sa mga taong puso ay bato
at mga ulo ay lagi na lang lito
pinili ang mga manlulupig para sa senado
at ang bansa ay lagi na lang natatarantado
sana lang hindi tayo tuluyang maimbalido
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...