huwag kang matakot tumawid
inilaan ang mga linyang ito para sa iyo
hindi mo kailangang mag-alangan sa paghakbang
ang tatlumpung segundo ay iyo
huwag kang matakot
hindi ka na mababangga ulit rito
hindi kasi pinapayagang magdala ng ari-arian ang sinomang nandito
walang makakapagyabang ng kahit na singko
kaya huwag ka nang mag-alala
walang babangga sa iyo rito
malaya ka nang abutin ang dulo ng paraiso
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...