sa mga oras
kung kailan hindi na naglalandas
ang planong lunas
sa buhay na danas
at kung minsan ay parang wala nang bukas
lahat na lang ay inaanod papuntang butas
huwag mag-alala't malapit na itong malutas
ang paglisan ay iyong ipagpabukas
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...