maaga pa nang siya'y lumisan, ngunit hating-gabi na rin naman ng buhay niya nang siya'y namaalam-- mukhang nagbunga naman na lahat ng kaniyang pinaghirapan, hindi na rin masama ang kaniyang nilagi sa lupa kahit hindi niya madala ang yaman sa ilalim ng lupa ngunit may tangi akong hiling, kung pagbibigyan ay ito ay sa kaniya'y ibubulong at ibibilin, tutal lubusan niya naman nang nagamit ang lakas-paggawa natin, baka puwede namang wakasan na rin ang kontraktwalisasyon sa organisasyong kinabibilangan ng marami sa atin.
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...