Silang mga nahuhulog ay natatakot rin, mga hindi alam kung anong mayroon sa ilalim. Ngunit sino nga bang makaaalam sa kung anong nagkukubli kung hindi sila susubok na sumisid?
Hindi nga lang sila makababalik.
***
Bugbog. Hulog. Takot. Poot.Silang mga binugbog na nang ilang dekada ang mga nagpapatihulog. Hahayaan ang sarili't magpapatianod o 'di kaya naman ay magpapakalunod. Makatakas lamang sa sapot ng mga nadaramang takot at poot. Sawa na silang tumakbo, kaya iisipin na lang nila na ang mga tumatalon ang siyang nananalo, dito sa mundo ng mga buhay na puro talo.
***
Matatapang ang mga tumatalon, sapagkat kinakaya nilang pangunahan ang sariling paghuhukom.
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poesíamga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...