hindi ko alam ang mga tamang titik
para isulat ang kuwentong hitik
sa mga diablo, aswang, at tiktikhindi ko alam kung sinong lintik
ang sisisihin ko rito,
sa paghahatid ng mga kuwentong mala-masamang elementohindi naman kasi muntik-
muntikan lamang ang paglisan mo
sa lintik
na mapanghusgang mundong ito
.
.
.
hindi ka naman sepulturero, minero, o 'di kaya ay astronomero
pero bakit pinili mo na lamang maghukay na ng sariling libingan at magpunta galaktik
hindi mo tuloy naabutan ang sili na isang libong kada plastik
na puta, parang namali-maligno
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...