(ba)liwal<iw>(a)

30 4 0
                                    

Baliw. Aliw. Bawal. Wala. Bala. Baliwala.

Para na lamang itong patikim ng napipintong paghuhukom, ipinapalasap na lamang sa atin ang lusak, ang labsak, ang latak, at ang said. Pinauubos na lamang sa atin ang katinuan, saya, puwede, meron, buhay, at lahat ng may silbi pa. Tapos na ang pagliliwaliw, pero hindi pa rin tapos ang pagbabaliwala ng mga walang bait sa sarili at bayan na ang solusyon lang lagi sa problema ay bala.

Tula(y)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon