Magtanim ay 'di biro, maghapong nakayuko. Mag-aabono, magpapatubig, at saka magtatabas pa ng damo.
Aani sila ng sako-sako, pero mga magsasaka'y kikita lamang ng singko.At pagdating sa merkado, itatago nila ang mga sako, at saka magbebenta ng luma at may bukbok sa tao.
At kapag mala-ginto na ang presyo, 'yung tipong isang libo na rin kada isang kilo, saka lang maglalabas ng bigas ang mga gago.
Ganito magutom sa bayan na ito.
Ganito manggago ang bayang ito.Tangina po.
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poesíamga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...