ubos na ang mga dayuhang titik maging ang sariling baybayin hindi na ako marunong tumula hindi na rin ako sigurado sa mga itinitipa kung may kahahantungan pa o magwawakas na.
gusto ko na lamang mapatid ang mga hininga ng babasa sa aking tulang tuluyang kahit bantas ay pawala na--
unti-unti na nga atang nabubura ng mga luha ang naisulat na mga pluma'y wala na ring tinta dahil wala rin naman akong kuwenta.masyado nang mahaba ang tulog ng mga nahimbing na kulog gusto ko na ng ulan masyado na akong nalulungkot damayan mo ako at lunurin dalhin mo ako sa pinakailalim kung saan walang liwanag at hindi naaabot ng hangin gusto ko lamang malaman kung may naghihintay ba roon sa akin
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...